Kabanata 7
Kabanata 7
Nagsimula nang sumigaw si Meredith habang ang inggit sa kanyang mukha ay lalo siyang noveldrama
pinapapangit.
Ngumiti na lang si Madeline na tila ba wala siyang pakialam. “Bilang asawa ni Jeremy, masaya akong
bawasan ang mga problema niya.”
“Madeline, ikaw… napakapobre mo talaga!”
“Hindi kita matatapatan, Mer. Nilagyan mo pa nga ng droga ang inumin ni Jeremy para mapakasalan
siya. Bakit? Ayaw ka ba niyang hawakan kapag gising siya?”
Nag-iba ang mukha ni Meredith na tila ba may sinabing tama si Madeline. Subalit, hindi niya inalis ang
kalmado at mayabang niyang mukha.
“Syempre, gusto ni Jeremy na hawakan ako. Gusto niyang ginugulo ako lagi! Lagi rin siyang nasa tabi
ko bawat gabi hindi kagaya mo. Nasa bahay ka lang pero hindi mo kasama ang asawa mo.”
Puno ng sakit ang mga salita ni Meredith. Ganoon din, naglabas siya ng ilang mga dokumento at
nilagay sa harap ni Madeline.
“Ito ang divorce papers na pinapasuyo ni Jeremy sa akin. Bilisan mo at pirmahan mo na. Ayaw makita
ni Jeremy ang isang walang kwenta at pobreng kagaya mo.”
Maraming pinagdaanan si Madeline para maglagay ng maskara at ipakitang kampante siya at hindi
nag-aalala. Subalit, nanigas siya nang makita ang divorce papers.
Divorce.
Gusto siyang i-divorce ni Jeremy.
Naramdaman ni Madeline na tila ba nahulog siya sa isang malamig na kuweba. Napakalamig nito at
bawat bahagi ng kanyang katawan ay nananakit.
Alam niyang darating ang araw na ito. Subalit, hindi niya inakalang ganito kabilis.
Mahal ni Jeremy si Meredith. Sa ganitong habulan ng pagmamahalan, si Madeline ang talo.
Itinadhanang makadama siya ng ganitong pagkabigo.
Nang makita ang namumutlang mukha ni Madeline, nagsimula nang tumawa si Meredith.
“Madeline, tingnan mo ang sarili mo. Hindi mahuhulog ang loob ni Jeremy sa isang kagaya mo. Ilang
beses nang sinabi sa akin ni Jeremy na nakakadiri ka at wala kang kwenta bilang babae. Ang
pagpapakasal sa iyo ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay niya!”
Lumapit si Meredith at sumulyap kay Madeline sa galit. Nakayuko lamang ito habang tinitignan ang
mga papel.
Sa kabilang banda, malamig na tumawa si Meredith at lalo pa itong yumabang.
“Walang kwenta ka! Umalis ka ng Glendale pagkatapos mong pirmahan ang mga papel. Kung hindi,
ako na mismo ang bubugbog sa iyo sa tuwing makikita kita.”
“Hmph.”
Mula sa kung saan, nakarinig rin si Meredith ng isang tawa kay Madeline.
Sa sumunod na segundo, kinuha ni Madeline ang divorce papers, at sa isang mabilis na kilos, pinunit
niya ito.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang maputlang labi, at saka niya tinapon ang papel sa mukha ni
Meredith.
“Gaya ng sinabi mo kay Jeremy, guguluhin ko siya kahit sa kamatayan ko. Gusto mong i-divorce ko si
Jeremy? Managinip ka!”
“Ano?” Nagalit si Meredith matapos magulantang. “Sino ka para magsalita nang ganyan sa akin,
Madeline? Pagod ka na bang mabuhay?”
Naibunyag ang masama nitong asal. Sasampalin na sana ni Meredith si Madeline. Subalit, hindi niya
inasahang mauuna ito sa kanya. Ginamit ni Madeline ang lahat ng kanyang puwersa para sampalin si
Meredith.
“Makinig ka sa akin, Meredith. Hindi ko ididivorce si Jeremy kahit mamatay man ako! Isisiwalat ko ang
totoo mong pag-uugali kay Jeremy. Ang isang babaeng masama at walang puso na kagaya mo ay
hindi nababagay kay Jeremy!”
Matapos sabihin iyon, nagsimulang manginig si Madeline.
Matapos malaman na isang laruan lamang siya sa plano ni Meredith, isinuko na niya ang kanilang
relasyon.
Hindi, mas marapat sabihin na wala ng kahit anong pagmamahal para sa kapatid niya o pamilya nila.
Mga hipokritong akto lamang ito ng pagmamahal at kalkuladong mga panloloko.
“Madeline, sino ka para sampalin ako!” Napabulalas si Meredith. Namimilipit ang mukha. “Pagsisisihan
mo ito!”
Tinuro niya si Madeline at saka galit na tumalikod.
Walang pakialam si Madeline. Umupo na siyang muli sa kanyang kamay, iniisip niya kung masyado
niya bang napuwersa ang sarili dahil bumabalik na naman ang sakit ng kanyang katawan.
Matapos ang isang sandal, bumalik si Meredith. Sa pagkakataong pumasok siya, umupo ito sa sahig at
agad na hinawakan ang mukha. Tila ba nasasaktan ito.
“Maddie, huwag kang maging ganito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Huwag kang magalit. Ako na lang
ang sisihin mo sa lahat. Subalit, huwag kang magalit sa batang nasa loob ko. Anak pa rin ito ni
Jeremy.”
Ano?
Talagang naguluhan si Madeline. Subalit, nang makita niya ang lalaking nasa pinto, alam na niya ang
lahat.