Chapter 38:Pagmamatias
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" tanong ni Zoe sa dalaga, hindi nagpatinag sa galit na pinapakita sa kanya nito ngayon.
"Paano ka nakapasok dito? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na layuan mo ako?" Lapat ang mga ngipin na tanong ni Jhaina sa binata. Ayaw niyang malaman nito na naalala na niya ito. Nangingibabaw sa kaniya ngayon ang galit na nadarama para sa lalaki dahil pangsamantala ang ginawa nito sa kanya.
"Baby.."
"Shut up! Bulyaw niya sa lalaki upang matigil sa pagsalita. "Huwag mo akong tawaging baby dahil hindi kita Tatay!"
"Please hayaan mo ako to remind you who I am." Nakikiusap na wika ng binata, handa siyang lumuhod sa harap ng dalaga na umaastang lalaki kung hilingin nito. Nagawa na niyang pag-aralan ang lengwahe nito kaya nadagdagan ang confidence niya na makuha rin ang loob nito.
"Umalis ka sa harapan ko, alis!" Binato niya ito ng unan, nandidiri siya sa isiping nagkagusto siya sa isang lalaki noong wala siyang maalala. Hindi niya rin matanggap na naisuko niya ang sarili rito. Lahat ay isinisi niya sa lalaki dahil pansamantala ang ginawa nito sa kaniya.
"Jhaina!"
Natigil sa pagwawala ang dalaga nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kanyang kapatid.
"Kuya, ginugulo niya po ako. Hindi ko siya kilala kaya paalisin mo siya ngayon din at huwag hayaan na makalapit sa akin." Pinalambot niya ang kanyang boses upang pakinggan siya ng kapatid.
"Hayaan mo na muna siyang makapagpahinga ngayon, bro." Pabulong na turan ni John Carl. Tinapik niya ang balikat ng kaibigan na halatang nasasaktan dahil sa pagtataboy dito ng kanyang kapatid.
Nakakaunawang tumango lamang si Zoe, tinapunan nang may pagmamahal na tingin ang dalaga bago tuloyang lumabas ng naturang silid.
"Kilala mo siya?" nang-uusig niyang tanong sa kapatid at hindi maipinta ngayon ang kaniyang mukha.
"Nakilala ko lang siya dito, bakit ka nagagalit sa kanya? Magkakilala rin ba kayo?" pagkaila ni John sa kapatid.
"Napagkamalan niya lang ako, Kuya." Pagsisinungaling nito sa kapatid.
"May naalala ka na ba?" nanunubok na tanong nito muli sa dalaga.
Iniwas ni Jhaina ang tingin sa mapanuring titig ng kapatid.
Napabuntonghininga si John carl at halatang umiiwas ang kapatid. " Matulog ka ulit at huwag munang lumabas ng silid. Nag-aalala ng husto sina Mommy sa iyo."
Tumalikod ng higa si Jhaina upang ipabatid sa kapatid na gusto niyang mapag-isa. Masakit ang ulo at puno ng galit ang nasa dibdib niya ngayon. Gusto niyang magwala dahil paulit ulit na bumabalik sa kanyang isip ang intimate moment nila
ni Zoe. Kung paano siya inangkin at kung paano siya gumanti sa mga halik nito. Nang marinig na nagsara na ang pintuan ay impit siyang napahiyaw dahil sa galit.
"Ahhh papatayin talaga kita na intsek ka!" Galit na naibato niya ang unan sa sahig. Para siyang nababaliw, hindi lubos maisip kung paano nangyari na bumigay siya sa isang lalaki.
Kinapa niya ang kanyang dibdib dahil sa tuwing nakikita sa kanyang balintataw ang masayang mukha ng lalaki ay bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Ganoon din ang naramdaman niya noong unang masilayan si Rochelle sa kanilang campos kaya lalo siyang nalilito ngayon sa sariling damdamin. Dala na rin ng gamot na nainum ay nakatulog siya ng isang oras. Pagkagising ay hindi na siya nag-ayos sa sarili at lumabas ng silid.
"Ok ka na, Bhe?" tanong ni Rochelle nang makita ang dalaga sa labas ng hotel na mag-isa. Pinakiusapan siya ng mga magulang nito na samahan muna ito at damayan kung ano man ang gumugulo sa isip nito ngayon.
"Yeah, kaunting sakit lang ng ulo ito." Kulang sa sigla na tugon ni Jhaina. Nagtataka na rin siya sa sarili niya ngayon. Hindi na tulad ng dati ang nadarama sa tuwing nasa paligid niya si Rochelle. "Niyaya nga pala ako ni Zoe mag-dinner mamaya, ok lang ba sa iyo?" may pag-alinlangan na tanong nito kay Jhaina.
"Wala akong karapatan na pigilan ka sa gusto mo dahil wala tayong relasyon kung kaya hindi mo na kailangan magpaalam sa akin." Pilit niyang itinago ang iritasyon sa boses. Hindi niya alam kung saan siya nasasaktan sa kaalamang interesado ang binata sa kanyang nililigawan.
"Isa ka talagang malaking tinik sa buhay ko! Gusto mo talagang paglaruan ang pagkatao ko at ipamukha na mas mabilis ka sa babae kaysa sa akin?" bulong ni Jhaina sa kaniyang sarili habang nakatanaw sa malawak at payapang karagatan. Nanibago si Rochelle sa pagiging tahimik ng kaibigan kaya nag-aalala siya. "Ayaw kong magselos ka, bhe, hindi ako tutuloy kung ayaw mo."
Lihim na napaismid si Jhaina sa tinuran ng babae, yumakap ito mula sa kanyang likuran ngunit wala siyang galak na nadarama unlike before." You already say yes to him, so ano pa ang kwenta ng pagpapaalam mo sa akin?" aroganteng tanong niya sa babae, marahan na binaklas ang braso nito na nakapulopot sa kanyang beywang at muling ibinalik ang tingin sa malawak na karagatan.
"I'm sorry, mukhang malungkot kasi siya kanina kung kaya hindi ko napaghindian." Kagat ang labi na paliwanag nito sa kausap. Ramdam niya ang selos nito ngayon at alam niya na hindi nito nagustohan ang pakipaglapit niya sa ibang lalaki. "Then, go with him!" tumaas ang timbre ng kaniyang boses dahil sa inis.
Kulang na lang ay itulak ni Jhaina si Rochelle paalis sa kanyang harapan. Galit siya, mukhang ipokrita sa kanyang paningin na ngayon ang babaeng hinahangaan at minahal noon. Lalo lamang nadagdagan ang frustration na nadarama dahil dito. Nang muli itong yumakap sa kaniya at humingi ng sorry ay tinulak niya ito palayo sa kaniya. Hindi niya ito pinakinggan at iniwan na ito mag-isa roon sa tabing dagat.
Hindi lumabas si Jhaina maghapon ng kanyang silid. Hindi rin siya kumain kung kaya nag-alala na naman ng husto ang kanyang pamilya. Kahit anong pilit nitong kausapin siya ay hindi siya nakikinig at nagkukunwaring tulog. Hindi siya lumingon nang marinig ang pagbukas muli ng pintuan. Nanatili siyang nakahiga at nagkunwaring tulog.
"I bring some food for you."
Napapitlang siya nang marinig ang baritonong boses ng lalaki. Kahit hindi niya lingonin ito, alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.
"Please eat, paborito mo ito." Lumapit si Zoe sa dalaga at marahang hinawa ang kumot na nakatabing sa mukha nito. Alam niya na gising ito at ayaw siyang kausapin.
"Bakit ka narito, hindi ba at may ka-dinner ka?" Tinabig niya ang kamay ng binata upang hindi nito mahawakan ang kanyang mukha.
"Pina-cancel ko, hindi ka pa raw kumakain mula kaninang tanghali. Kumain ka kahit kaunti." Inilapit ni Zoe ang maliit na table sa harap ng dalaga kung saan nakalagay ang pagkain.
"Hindi ako nagugutom!" pagtataray pa rin niya sa binata at sinupip ang tuwa na nadarama dahil hindi ito natuloy sa dinner date.
Napangiti si Zoe nang mapansin ang biglang pagsaya ng mukha ng dalaga. Nagtalukbong ito ng kumot at pilit na tinatago ang mukha nito sa kanya.
"Iiwan ko ang pagkain dito, alam kong hindi ka komportable sa aking presensiya kaya aalis na ako."
Napabalikwas ng bangon si Jhaina nang tumalikod si Zoe. "Huwag mong ligawan si Rochelle, she's mine!" Nakasimangot niyang pahayag sa binata. Natigil si Zoe sa tangkang pagbukas ng pintuan at galit na nilingon niya ang dalaga," and you're mine!" May diin niyang sagot dito.
"Gago ka, hindi tayo talo!" Bulyaw nito sa binata kasabay ng pagbato ng unan dito.
"Kaya kong magpakabakla para maging bagay tayo." Nakangising sagot niya sa dalaga, natutuwa siya dahil kahit papaano ay kinakausap na siya nito. "You're crazy!"
"Crazy for you, Baby! I miss you!" Simpatiko siyang ngumiti at marahang lumapit sa dalaga.
"Huwag kang lumapit, manyakis ka!" Kinabahan bigla si Jhaina nang mapansin na may naglalarong kapilyohan sa mukha ng lalaki.
"Deny mo man o hindi, hindi mo mapagkaila ang impact ng presensya ko sa iyong katawan, Baby. Huwag mo nang kontrahin ang nais ng iyong puso at katawan." Lalong lumakas ang loob ni Zoe nang maramdaman ang tension ng dalaga. "Huh, huwag mayabang! Nababaliw ka na nga talaga at naisip mo ang bagay na iyan! Ang laki naman ng tiwala mo sa iyong sarili." Insulto nito sa binata upang tigilan na siya.
Sa halip na masaktan ay lalo lang natuwa si Zoe sa dalaga. Sanay na siya sa ugali nitong matapang kapag nagagalit kahit noong may amnesia pa ito.
"Sisigaw ako kapag lumapit ka!" Mahigpit na kipkip ang kumot sa kanyang dibdib. Hindi siya makatayo dahil manipis lamang ang kasuotan niya ngayon. Iyon ang suot niya dahil mainit pa rin ang kanyang pakiramadam.
"Just one kiss, Baby!" anito sa namaos na boses habang nakatitig sa labi ng dalaga.
"Baby, your ass! Sisipain kita kapag lumapit ka!" Banta muli ni Jhaina dito nang pagapang na sumampa sa paanan ng kama ang lalaki. Muling nanumbalik sa isip kung paano siya pinalambot noon nang haplusin nito ang kanyang mga binti. Hindi niya pinakinggan ang dalaga. Mas nangibabaw sa kaniyang isip ngayon ang pananabik sa dalaga nang makita ang makinis nitong mga binti.
"Zoe, stop it!" tila hirap na wika niya muli nang hawakan nito ang kanyang talampakan. Ayaw man niyang aminin pero totoo ang sinabi ng binata na kusang na respond dito ang kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay lalagnatin ulit siya nang manulay ang maliit na boltahe sa bawat himaymay ng kaniyang katawan.
"Hey, hindi pa ako nagsisimula!" Tumatawa na wika ni Zoe nang makita ang pamumula ng mukha ng dalaga.
"Gago ka!"
Lalong lumakas ang tawa niya kasabay nang pagtalon pababa sa kama bago pa man siya maabot ng sipa ng dalaga. Sobrang naaliw soya ngayon sa nakikitang embarrassed sa mukha ng dalaga. Lalo itong gumanda sa kaniyang paningin at babaeng-babae kahit kilos barako ito..
"Eat your food now or else ako ang kakain sa iyo." Makahulogang utos niya sa dalaga bago pa lumamig ang pagkaing dala niya.
"Lumabas ka na!" Galit na pagtataboy niya sa binata at sinamaan ito ng tingin. Lalo lamang namula ang pisngi niya dahil sa biro nito at naaalala ang kainan nila noon.
"Eat first!" Seryoso na ngayon ang binata at tinuro ang pagkain.
"Kapag kumain ako, lalabas ka na?" Naniniguro na tanong nito sa binata. Nabura na ang pilyong ngiti sa labi nito kaya nabawasan ang kabang nakadarama.
Nang tumango ito ay mabilis niyang kinuha ang kutsara at sumubo ng pagkain. "Shu!" Parang manok na binugaw ang binata habang puno ang bibig ng pagkain. Itinaas pa niya ang kutsara at sininyasan ito na umalis na nang ngumiti lang ito. Nakangiting napailing na lamang si Zoe sa inaasta ng dalaga. Upang hindi na ito magalit at mabusog ay tumalikod na siya at iniwan ito.
"Opss, sorry po!" Maagap na nasalo ni Zoe ang ina ni Jhaina na muntik nang sumubsob sa sahig ang mukha pagkabuksan niya ng pinto. Nagulat pa siya nang maging ang ama ng dalaga ay naroon din at hinatak siya sa kwelyo palayo sa pintuan upang maisara iyon bago pa makita ng dalaga ang mga ito.
"Kumain na ba siya?" tanong agad ni Lucy nqng makabawi sa pagkabigla. Kanina pa sila roon mag-asawa at sinundan si Zoe nang palihim nang mapansin na paparoon ito sa silid ng kanilang anak at may dalang pagkain. "Ahm, opo!" Kinakabahan na sagot niya sa ginang dahil baka narinig ng mga ito ang ginawa niya sa loob.
"Sino ka talaga?" Mapanuring tanong ni David sa binata. "Sino ka sa buhay ng anak namin at nagawa mo siyang mapasunod ng ganoon kadali?"
"Huwag po kayong magalit, malinis po ang atensyon ko sa kanya mula noong una ko siya nakita." Ayaw na niya maglihim pa sa mga ito.
"Ang ibig mong sabihin, matagal mo nang kilala ang aming anak?" Manghang tanong ni Lucy dito, maging siya ay masama ang kutob nang marinig ang galit kanina sa boses ng anak. Pero napaamo rin nito agad sa hindi nila alam na dahilan dahil nakasara ang pintuan.
"Doon tayo sa aming silid at magpaliwanag ka!" ani ni David at inakay ang asawa sa paglalakad palayo sa silid ng anak nila.
Sumunod si Zoe sa mga ito, kinuwento kung paano natagpuan at nakilala ang dalaga. Walang tinago maging ang pag-angkin sa babae na asawa at pagpakasal ng walang pahintulot ng mga ito. Nang suntokin siya ng ginoo ay hindi siya lumaban at patuloy na humingi ng tawad.
"Alam mo ba na maari ka naming mademanda?" Kuyom ang kamao na wika ni David. Nagpipigil siyang masuntok muli ang binata nang malaman na ito ang gumalaw sa katawan ng kanilang anak kahit alam nito na may amnesia ang dalaga. "Handa ko pong harapin ang ipataw ninyong parusa sa akin. I know that it was wrong but believe me or not, I love her, Sir!"
Ramdam ni Lucy ang sinseridad ng binata sa paghingi ng tawad sa kanila at kung gaano nito kamahal ang kanilang anak. Oo at galit din siya sa ginawa ng kaibigan ni Mark. Pero ito rin ang nagligtas sa buhay ng kanilang anak. Kung hindi nito tinulongan ang anak nila noon ay baka hindi na nila ito nakita pa ng buhay.
"Nangyari na ang hindi dapat mangyari, ang gusto namin ay panagutan mo siya at palambutin muli ang pusong babae niya." Seryoso pa rin na wika ni David pero masaya siya dahil hindi masamang tao ang nakapulot sa anak at inalagaan pa nito noong nawala sa kanila.
"I will, sir, thank you!" Masaya na sagot ni Zoe at nagmano pa sa mag-asawa.
Ngayong may basbas na ng mga magulang ng dalaga ay nadagdagan ang lakas ng kaniyang loob na paibigan ito. Kung kinakailangan na pikutin niya ang dalaga ay gagawin niya upang mapasa kaniya lang ito.noveldrama