Chapter 1
Chapter 1
PROLOGUE
“CHOOSE your assignment.”
Mabilis na sinalo ni Clarice ang inihagis ni Maggy na envelope pagkapasok nito sa opisina nila. Kunot
ang noong sinilip niya ang laman niyon. Kaagad na nakuha niya ang ibig sabihin ng kaibigan nang
makita ang close-up na kuha ng tatlong mga lalaki. Inisa-isa niyang tingnan ang mga litrato. Walang
itulak-kabigin sa kagwapuhan ng mga lalaki roon. Bawat isa ay nagpakita ng pasilip sa personalidad ng
mga ito base na rin sa itsura sa litrato.
Ang una ay pormal ang anyo at ni walang mababakas na anomang emosyon sa mga mata. Ang
pangalawa ay mayroong suot na salamin sa mga mata at may hindi komportableng ngiti sa mga labi na
para bang hindi sanay magpakuha ng litrato habang ang pangatlo ay mapanukso kung ngumiti at may
mga matang nakalalasing kung tumitig. Ang huli ang siyang mas nakakuha sa kanyang atensiyon.
Siguro ay sa dahilang nakuha ng huli ang mga mata at labi nito sa ina, hindi tulad ng dalawang kapatid
ng lalaki na mas nakahahawig sa ama ng mga itong si Benedict McClennan, ang lalaking
kinasusuklaman nilang magkakaibigan. Ang dahilan ng pagkasira ng kanilang mga pamilya.
Kung ang lalaki ang siyang magiging target ni Clarice, magagawa niyang kontrolin ang galit kahit
paano dahil hindi siya matutuksong takpan ang mukha nito sa tuwing makakasama niya ito. Kinuha
niya ang litrato at ipinakita kay Maggy.
“I will take this one,” ani Clarice bago ipinasa sa katabing si Yalena ang dalawa pang litrato para ito
naman ang pumili. Ang matitira ay automatic na mapupunta kay Maggy.
Napatango-tango si Maggy. “That’s Alano McClennan, the infamous playboy. Siya ang pangalawa sa
magkakapatid at ayon sa bali-balita ay siya ding pinakamapaglaro sa kanilang tatlo. Sigurado ka na ba,
Clarice?”
Amused na ngumiti si Clarice. “Dapat na ba akong mainsulto dahil mukhang pinagdududahan mo ang
kakayahan ko, Maggy?”
Natawa si Maggy. “Ang layo na ng narating mo, Clarice. Paano ko magagawang magduda sa `yo?”
Itinaas nito ang mga kamay tanda ng pagsuko. “You have always been the asset in our business; you
have your way with people. So, a tease versus a tease…” Kinindatan siya nito. “Will surely be a fight
worth watching for.”
Bumuka ang bibig ni Clarice para magsalita pero napigilan iyon nang tatlong magkakasunod na katok
mula sa labas ng pinto. Nagkatinginan silang magkakaibigan. Ilang sandali pa ay pumasok mula roon
si Julian. Napalunok siya.
“Clarice, I need to talk to you—” Nahinto si Julian sa pagsasalita nang makita ang litratong hawak niya.
Julian was the only person she ever trusted; he was her best friend aside from Maggy and Yalena. But
unfortunately… he fell in love with her.
In another circumstances, Clarice would have allowed herself to fall for Julian, too. But she cannot do
that at the moment. Marami pa siyang misyon na kailangang unahin kaysa ang magpatangay sa
pagmamahal na kayang ibigay ng binata.
“So… itutuloy n’yo ang plano?”
Ang lalaki lang ang nakakaalam ng plano nilang magkakaibigan. Hindi niya kayang maglihim sa huli.
“Yes,” walang emosyon na sagot ni Clarice.
Ilang sandaling natigilan si Julian habang nanatili namang tahimik ang mga kaibigan niya na
nakikiramdam. Sunod-sunod na mararahas na paghinga ang pinakawalan ng binata bago muling
nagsalita. “You don’t have to go back to the Philippines and risk getting hurt all for revenge. Kaya
kitang tulungan, Clarice. I have my men who can—”
“The best revenge is not hurting someone physically, Julian.” Pinapormal ni Clarice ang boses. “It’s
targeting the human’s most sensitive part… the heart.”
“Hindi na kami tulad ng dati. Kung tutuusin ay kayang-kaya na naming gumanti ngayon sa mas
madaling paraan, Julian,” sabad ni Yalena. Gaya ni Clarice ay nakapili na rin ito ng litrato. “Pero
masyadong malaki ang utang ng mga McClennan sa amin para bumigay kami sa paraang ‘yon. Ang
tagal namin itong hinintay. We can’t be distracted by the easy way no matter how tempted we are to do
so.”
Nanikip ang dibdib ni Clarice. Dalagita pa lang silang magkakaibigan ay ipinangako na nila sa burol ng
kanilang mga mahal sa buhay na pagbabayarin nila si Benedict McClennan, ang tinik sa buhay nila.
Pero hindi nila matagpuan ang matanda. At malakas ang kutob nilang itinatago si Benedict ng mga
anak nito. Kaya nagpasya silang ang unang sisirain ay ang mga bumabakod sa matanda—ang tatlong
lalaking anak nito, ang mga sanga ni Benedict.
“You are really leaving?” sa halip ay tanong ni Julian.
“Yes,” walang pag-aalinlangang sagot ni Clarice. Hindi siya dapat magpadala sa nakarehistrong sakit
sa mga mata ng binata. Sa tindi ng hirap na pinagdaanan nila nina Maggy at Yalena sa loob ng ilang
taon para makarating sa kinalalagyan nila ngayon, may isang bagay siyang na-realize; life is a battle.
And sacrifice is a must.
Because no one wins without sacrificing… a whole damn lot.
CHAPTER ONE
“YOU MADE my day by being here with me, Clarice. Thank you.”
Mula sa balikat ng lalaking kasayaw ay umangat ang palad ni Clarice sa mukha ni Russel. Mapang-akit
na pinaglandas niya ang mga daliri sa pisngi nito at matamis na ngumiti. Marahan siyang natawa nang
makita ang paglunok ng binata. Kung alam lang ni Russel na kung tutuusin ay siya pa ang dapat na
magpasalamat dahil pinadali nito ang plano niya.
Noong nakaraang linggo lang nakabalik si Clarice sa Pilipinas mula sa Nevada. Maggy had everything
set already. Naihanda na ng kaibigan ang lahat para sa pagbabalik niya sa bansa, ang tutuluyan niya
pati na ang kotse na gagamitin. Nakaparada na iyon sa resort sa mismong araw ng pagdating niya.
Kinuha na lang niya ang susi niyon sa tauhan ni Maggy sa bansa na si Radha na siya ring sumundo sa
kanya sa airport. Walang dudang alam ni Maggy na nakatatandang kapatid na babae ni Russel ang
siyang may-ari ng exclusive resort kung saan siya pansamantalang nanunuluyan kaya doon ang
piniling lugar ng kaibigan para sa kanya.
Lihim na napangiti si Clarice sa naisip. She had always been the risk taker among her best friends. She
makes the necessary urgent decisions. Si Maggy naman ang siyang pinakatuso. While Yalena,
Maggy’s fraternal twin sister, was the most observant and analytical among them.
Apat na araw na ang nakararaan mula nang magpakilala kay Clarice si Russel habang kumakain siya
sa restaurant sa resort. Pansamantala ring tumutuloy roon ang tauhan ni Maggy para kung may
kailanganin siya ay mabilis na makakakilos si Radha. Ang babae rin ang nagbigay sa kanya ng mga
naka-print na impormasyon tungkol kay Alano pati na ang schedule ng binata sa trabaho.
Tapos na ang tag-araw at mabibilang sa daliri ang mga tao sa resort kaya iilan lang silang
nagkakadaupang-palad doon. Nang nasa restaurant siya ay lumapit sa kanya si Russel at nagpakilala.
Sa loob ng dalawampu’t walong taon niyang nabubuhay sa mundo ay hindi nakaugalian ni Clarice ang
makipaglapit sa mga taong alam niyang hindi makatutulong sa kanya. Mabuti na lang at nagkataon na
ang pamilya ni Russel Alejandro ang nagmamay-ari ng twelve percent shares sa McClennan
Corporation. Iyon lang ang nag-iisang dahilan kaya hinayaan niya ang binata na makipaglapit sa kanya
habang pinag-aaralan ang mga impormasyon na ibinigay ni Radha. Kasama na rin doon ang
impormasyon tungkol kay Russel kaya kaagad niyang nalaman kung sino ang lalaki.
Laking tuwa ni Clarice na nang nagdaang gabi lang ay katukin siya ni Russel sa kanyang kwarto at
inanyayahan na maging date nito sa celebration sa mansion ng mga McClennan kung saan gaganapin
ang ika-labingwalong taon ng McClennan Power, Oil and Mining Corporation sa bansa. Ang
elektrisidad ay ang panganay na si Ansel ang namamahala, sa langis si Alano at sa minahan naman
ang bunsong si Austin na matanda pa rin ng isang taon sa kanila ng mga kaibigan.
Ang magandang buhay ng mga McClennan ngayon, iyon dapat ang tinatamasa nila nina Maggy at
Yalena ngayon. Pero ninakaw iyon ni Benedict sa kanila. Naglaho ang ngiti ni Clarice sa naisip.
“Clarice?” nag-aalalang tanong ni Russel. “Is something wrong?”
Pinilit ni Clarice na ibalik ang ngiti pagkatapos ay ibinaba ang palad pabalik sa balikat ni Russel sa
kabila ng panghihinayang na rumehistro sa mukha nito. Unang kita pa lang sa binata ay alam na
niyang hindi lang pakikipagkaibigan ang gusto nito sa kanya na siyang ginamit niya. Pero
sinasamantala rin iyon ni Russel dahil malinaw ang pambabakod na ginagawa nito sa kanya magmula
nang dumating sila sa mansion ng gabing iyon. Ilang romantic songs na ang pumailanlang sa paligid
pero heto at nagsasayaw pa rin silang dalawa. Ni wala itong hinayaang makasayaw sa kanyang iba
nang may ilang magtangkang lumapit sa kanila kanina. All content is © N0velDrama.Org.
Iniwasan ni Clarice na bumakas ang pagkainip sa kanyang mukha. Hindi pa rin bumababa ang
kanyang hinahanap. Ibinaling na lang niya sa ibang direksiyon ang mukha. Sa ginawa ay hindi
sinasadyang nagtagpo ang kanilang mga mata ng lalaking nahuli niyang nakatitig din sa kanya sa
bukana ng hagdan. May hawak itong wine glass sa isang kamay.
Sa kabila ng malawak na salang iyon ay nangibabaw pa rin ang lalaki sa lahat. Siguro ay dala na rin
iyon ng suot nito. Ang magkakapatid na McClennan lang ang nakasuot ng puting amerikana sa
kalalakihan doon pero walang epekto sa kanya ang dalawang magkapatid na una pa lang ay namataan
na niya. Sa lalaking iyon lang napako ang kanyang mga mata.
Apat na pareha ang nakapagitan sa kanila pero hindi naging hadlang iyon para hindi makaligtas sa
kanya ang pagguhit ng mapanuksong ngiti sa mga labi ng lalaki.
Finally, you’ve decided to join the party, Alano.
“EXCUSE me. I will go to the bathroom for a while,” paalam ni Clarice kay Russel nang matapos na
ang tugtog. Humiwalay na siya rito. Tatalikod na sana siya nang pigilan ng binata sa braso.
“I’ve been here many times. I know where it is. Sasamahan na kita.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Clarice. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit sa edad na beinte-otso
ay wala pa siyang nagiging boyfriend. Kadalasan ay possessive ang kalalakihan na kung tutuusin ay
wala naman sa lugar. Ilan na nga bang gaya ni Russel ang nakilala niya? Ah, hindi na niya mabilang.
Sa oras na makakita si Clarice ng ganoong katangian sa isang lalaki ay kaagad na siyang lumalayo
kaya madalas ay hanggang first date lang siya. Hanggang sa magsawa siya at itinigil na iyon sa
nakalipas na tatlong taon.
“Russel…” Clarice tried to smile, exposing her dimples. “Magkaibigan pa lang tayo pero nasasakal na
kaagad ako. I hate complications, baby.” Bahagya niyang inilapit ang mukha sa binata.
“Possessiveness was one of the reasons why my ex-boyfriend lost me.”
Bumakas ang tension sa mukha ni Russel sa palabas niya. “I’m sorry. I was just—”
“Don’t worry, I got it.” Idinikit ni Clarice ang dalawang daliri sa mga labi ni Russel. “Nag-aalala ka, alam
ko. But allow me to breathe, Russel. I have always been a free soul. I hate being caged,” aniya at inalis
ang kamay nito sa kanyang braso.
Dumeretso si Clarice sa mesa nila ni Russel at kinuha ang purse niya bago siya lumabas papunta sa
hardin para magpahangin pansamantala pagkatapos ay saka siya pupunta ng restroom para mag-
retouch sandali. Sa dami na ng mga napuntahan nang party sa nakaraang mga taon ay kinababagutan
niya na ang kasalukuyang nangyayaring celebration. Parties now bore her to the core. Dinukot niya
ang cell phone sa kanyang purse at mabilis na nag-type roon.
Find me a new place. ASAP.
Pagkaraan lang ng ilang segundo ay nag-reply si Radha. I will, Ms. Clarice. But I will have to inform
Ms. Maggy first about it. What reason will I tell her?
Tell her that Russel was useful. But his purpose has expired.
Wala nang dahilan para makasama pa ni Clarice si Russel. Dahil mula sa gabing iyon ay siya na
mismo ang gagawa ng hakbang. Sapat nang naging tulay ang binata para makapasok siya sa mansion
at makatagpo si Alano. Ibabalik niya na sana ang cell phone sa kanyang purse nang mag-ring iyon. Si
Julian ang nasa kabilang linya. As much as possible, she didn’t want to answer the call. Pero alam
niyang hindi titigil ang kaibigan hangga’t hindi niya iyon sinasagot. Bumuntong-hininga siya bago
sinagot ang tawag.
“Long distance call ito, Julian. This better be important—”
“Nasasaktan ako pero nag-aalala pa rin ako para sa `yo. Paano kung ikaw ang mapahamak sa
binabalak n’yong magkakaibigan? If this is about the money, you know I can give you that,” tuloy-tuloy
na pagbirada ni Julian sa kabilang linya. “You know that I can give you the world, Clarice. Just marry
me.”
“You are right.” Sumasakit ang ulo na naupo si Clarice sa nakitang bench sa hardin. Napalingon siya
sa paligid. Walang ibang tao roon nang mga sandaling iyon. Mukhang pare-parehong mahihilig sa
kasayahan ang naimbitahan sa mansion hindi tulad niya na mas gugustuhin na manatili sa may-
kadilimang bahaging iyon. Ang mga ilaw lang na mula sa poste at mga halaman ang nagbibigay ng
liwanag sa hardin.
Nagmula si Julian sa isa sa mga tinitingalang pamilya sa ibang bansa. Nagkakilala lang sila dahil
nagkataon na kaibigan nito ang may-ari ng modeling agency kung saan siya nagtatrabaho. Dalawang
taon na siyang modelo roon nang magkita sila ng binata sa opisina noong nagkataong dalawin nito ang
kaibigan.
Clarice still remembered how Julian smiled at her and how she smiled back. The connection was there
in an instant, she wouldn’t deny it. Magaan kaagad ang loob niya sa lalaki. Kaya dito niya lang
hinayaan ang sariling mapalapit. Lumalabas-labas man sila pero friendly date lang iyon. Parang
kapatid na lalaki ang tingin niya rito na siyang nagbago nang magtapat ito sa kanya apat na buwan na
ang nakararaan.
His family owns an empire and with his wealth, he could indeed, provide her everything. Only a fool
would say ‘no’ to that offer. And she must have been a fool.
“You can give me the world and that’s the problem, Julian. I don’t want it. I do care for you but I’m not
into this marriage thing. I’m sorry,” prangka nang wika ni Clarice. Tinapat niya na ang lalaki noon.
Nakakalungkot isipin na kailangan niyang ulitin pa iyon at saktan itong muli ngayon. “Marami pa akong
mas importanteng bagay na kailangang gawin kaysa ang humarap sa pari at mangako ng isang bagay
na hindi ko naman pinaniniwalaan.”