Chapter 14
Chapter 14
“SELENA Marie. That was the name I planned to give you in case you turn out to be a girl, sweetheart.
Pangalan ‘yon ng Lola mo na gusto ko sanang mamana mo,” bulong ni Yalena habang naglalakad sa
may-kadilimang bahaging iyon ng kalsada. Ibinaba siya ng sinakyang bus sa huling destinasyon niyon,
ang Zambales. Provincial bus pala ang kanyang nasakyan.
Nang makababa na siya ay saka lang tumino sa kanyang isipan na nasa Zambales siya nang makita
ang terminal doon. Mula roon ay naglakad lang siya nang naglakad kahit nananakit pa ang kanyang
buong katawan lalo na ang kanyang balakang dahil ilang oras pa lang siyang nakapagpapahinga sa
ospital ay umalis na rin siya kaagad doon. Hindi niya kinayang magtagal sa lugar na iyon.
Gabi na pero hayun siya at hindi pa rin malaman kung saan magpupunta.
Nang magsimula nang manginig ang kanyang mga binti dala ng matinding kapaguran ay basta na lang
siyang sumalampak sa gitna ng kalsada. Inihagis niya na lang sa kung saan ang kanyang bag kung
saan nakalagay ang kanyang mga identification cards. Hindi niya na kakailanganin pa ang mga iyon.
She didn’t want to be identified anymore.
Ipinikit ni Yalena ang namamasang mga mata. Mula pa kaninang naglalakad siya roon ay bihira ang
mga sasakyang nagdaraan. Pero kung sakaling may dumating man ay wala na siyang pakialam.
“So the dragon fell in love with the shark. I pity the dragon. Hindi niya pa kabisado ang ugali ng pating.
Paano kung bigla na lang siyang atakihin nito? Because the dragon is in love with the shark, even if the
shark attacks her, she wouldn’t dare throw fire, would she?” Parang sirang-plakang umalingawngaw sa
kanyang isipan ang mga sinabing iyon ni Dennis noon.
Walang buhay siyang napangiti. What a very stupid dragon.
Pagod na siya. Ayaw niya nang mabuhay pa. Mula’t sapol ay puro pasakit at pagdurusa ang hatid ng
mundo sa kanya. Hinaplos niya ang kanyang tiyan.
“Baby, don’t worry. Susunod na sa `yo si Mommy,” naalala niya pang bulong bago siya nawalan ng
ulirat.
NABIGLA si Bradley sa ginawang pagpreno ng driver niyang si Rey. Nag-aalalang nilingon niya ang
anak na si Martina nang bigla na lang itong mahigpit na kumapit sa kanyang braso. Nakatulog na ito
kanina pero dahil sa ginawa ng driver ay nagising ito. Kunot-noong inalis niya ang kanyang earphones
at sisitahin na sana ang driver nang unahan na siya nito sa pagsasalita.
“S-Sir, may babae po kasing nakahandusay sa gitna ng kalsada at—”
“What?!” Kumunot ang noo ni Bradley. Ibinaba niya ang salaming bintana sa kanyang gawi at sinilip
ang tinutukoy ni Rey. Totoo ngang may babaeng nakahandusay roon. Muli niyang nilingon ang
inaantok pang anak. “Martina, stay here, okay? May titingnan lang kami ni Rey sandali sa labas.”
Nang tumango ang bata ay nagmamadaling bumaba na siya ng kotse. Tinakbo niya ang kinaroroonan
ng estranghera at dinaluhan ito. Sa liwanag na dulot ng headlights ng sasakyan ay malinaw niyang
napagmasdan ang anyo nito. Kumabog ang kanyang dibdib. Agad niyang sinilip kung may galos o
pinsala sa katawan ang dalaga. Pero wala siyang napansin. Patag din ang paghinga nito pero bakas
ang matinding pagod sa anyo.
“Ano’ng ginagawa ng ganyan kagandang nilalang dito sa gitna ng kalsada at ganito pang dis-oras ng
gabi?” pagsasaboses ni Rey sa namuong tanong sa isipan ni Bradley. “S-Sir,” bahagyang umatras si
Rey. “H-hindi ho kaya totoo ang mga bali-balitang may babaeng nagmumulto sa kalsadang ito kaya
bihirang daanan ng iba kahit shortcut ho ito? Umiikot pa ho ang mga sasakyan sa kabilang kalye.”
Naiiritang tiningala ni Bradley ang kanyang driver. “Mukha bang multo ang babaeng ito?” Hinawakan
niya ang kamay ng estranghera. “See? Nahahawakan ko nga siya.” Pumalatak siya. “Saka umayos ka
nga, Rey. Sa tanda mong `yan, naniniwala ka pa sa mga gano’ng bagay? Saka sa payat at putla mong
`yan, mas mapagkakamalan ka pang multo.”
Maingat na binuhat ni Bradley ang estranghera. “It’s late. Sa bahay na muna natin siya dalhin.”
“Pero, Sir, paano kung—”
Nahinto sa paglalakad si Bradley nang sulyapan niya ang driver. Natahimik naman agad ito. Minsan
pa’y pinagmasdan niya ang mukha ng estranghera. “This woman can’t be a ghost, Rey.” Saka kung
sakaling multo nga siya at bahagi lang ito ng bitag niya, handa akong magpabitag… kahit ngayong
gabi lang. Naisaloob niya habang patuloy sa malakas na pagkabog ang kanyang dibdib. Ipinasok niya
na ang dalaga sa kotse. Ipinuwesto niya ito sa gitna nila ng nasorpresang anak.
“Dad, who is she?”
Napailing si Bradley. “I don’t know, honey. But it looks like she needs our help.”
Masusing pinagmasdan ng bata ang estranghera habang nagsimula na uli magmaneho si Rey.
Mayamaya ay pareho silang natigilan ng driver nang bigla na lang pumalakpak ang kanyang
magsasampung taong gulang na anak.
“I knew it! God won’t fail me. I knew it!” tuwang-tuwa pang sinabi ni Martina.
Nagsalubong ang mga kilay ni Bradley. “What do you mean?”
“Remember when we went to church yesterday? Because it’s the first time I got to be in that church, I
made a wish. I wished for a Mommy,” nangingislap ang mga matang sinabi ni Martina. “And Dad, I
think she’s the one. She’s my answered prayer!”
NAGISING si Yalena sa init ng araw na tumatagos sa kanyang balat. Dahan-dahan siyang nagmulat.
Bumungad sa kanya ang isang hindi pamilyar na kwarto. Pinaghalong dilaw at puti ang kulay niyon. Sa
palagay niya ay ganoon din kalaki ang guest room sa mansiyon ng mga McClennan.
McClennan. Natigilan siya. Kasabay niyon ay nanumbalik sa kanyang isipan ang lahat ng mga
pinagdaanan.
Napabangon si Yalena kasabay ng paghawak niya sa kanyang tiyan. Oh, God.
Nangilid ang kanyang mga luha. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ay agad na tumutok doon
ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang isang napakagandang batang babae. Nakatali ang
kulay-mais na buhok nito sa magkabilang gilid. Lumarawan ang saya sa maliit na mukha nito nang
makita siya. Halos patakbo itong lumapit sa kanya. Nang ngumiti ang bata ay ngumiti rin ang kulay
gray na mga mata nito.
“I’m glad you’re finally awake. Tatawag na sana si Daddy ng doctor pero ang sabi ko ay sisilipin muna
kita rito. Umaasa po akong gising na kayo. You’ve been sleeping for more than twenty hours according
to Daddy. How are you?”
Tumulo ang mga luha ni Yalena. “I’m hurting. I’m hurting so much. I can’t believe I’m alive. How am I
alive?”
Nagsalubong ang mga kilay ng bata. Naupo ito sa tabi ni Yalena at pinunasan ang kanyang mga luha
sa pagkagulat niya. “Don’t cry. Ligtas ka na po. Nakita ka namin ni Daddy kagabi. He saved you and
brought you to our house.”
Napahagulgol si Yalena. “But I didn’t want to be alive. I have no more reason to live.” Mas lumakas ang
kanyang pag-iyak nang hawakan ng bata ang kanyang mga kamay.
“Daddy said to pray when you’re hurt or when you’re afraid. Can you pray?”
“I can’t.” Pumiyok ang boses ni Yalena. “I can’t.”
“Then I will pray for you.” Ipinikit ng bata ang mga mata at bumulong ng mga salitang napakainosente
para sa pandinig ni Yalena pero walang dudang sincere ito sa pagdarasal, isang bagay na kailangang-
kailangan niya ngayon. “Dear Jesus, please take away the pain of the beautiful lady I’m holding hands
with right now. I-bless Mo po siya para hindi na po siya ma-hurt at mag-cry. Amen.”
SINO ka ba talaga? At ano’ng nangyari sa `yo? kunot-noong naisaloob ni Bradley habang
pinagmamasdan ang kanyang natutulog na bisita. Apat na araw na ang estranghera sa poder niya.
Tuwing gising ito ay hindi nagsasalita. Bihira rin nitong galawin ang mga pagkaing dinadala nilang
mag-ama sa inookupang kwarto nito. Madalas ding malayo ang tingin nito. Sa unang araw na nagising
ang estranghera ay nasaksihan niya ang pagkausap dito ni Martina.
Naalala ni Bradley ang nakitang paghagulgol ng dalaga at ang mga narinig na sinabi nito. Sadyang
napakahiwaga nito. Ginusto nitong makaalis sa kanyang bahay pero pinigilan nila ni Martina dahil
halata pa ang panlalambot ng dalaga.
Para namang balewala para sa dalaga ang manatili sa kanyang bahay. Ni hindi ito nagpumilit nang
husto na makaalis na parang wala nang balak pang bumalik sa kung saan man ito nanggaling. Pero
walang mababakas na anumang emosyon sa mga mata nito. Ang mayordoma sa kanilang bahay ang
siyang katulong pa ng dalaga sa pagbibihis ng mga pinamili niyang damit dahil ni hindi ito umaalis sa
kama. She looked lifeless, kaya hindi mapigilan ni Bradley ang mag-alala.
Pero para bang may milagrong nangyari nang ikatlong araw. Nahikayat ni Martina na humigop ng
sabaw ang dalaga at kumain ng prutas. Kung tutuusin ay maliit na bagay lang iyon pero pag-asa na
ang hatid niyon para sa kanila ng anak. Bahagya siyang napangiti sa naalala. Martina was patient
towards the stranger. She had always been like that. Sa palagay niya ay bunga na rin iyon ng
kasabikan nitong magkaroon ng makakasamang iba bukod sa kanya.
Agad ding nawala ang kanyang ngiti. Martina had to cry before the woman could eat. Hindi maikakaila
ang matinding pag-aalala ng kanyang anak para sa estranghera at mukhang kahit paano ay tumalab
iyon sa huli.
What am I going to do with you, stranger? Sa susunod na linggo ay kailangan na nila ni Martina na
bumalik sa Portland dahil nagbabakasyon lang sila sa Pilipinas. Dinalaw lang nila ang puntod ng
kanyang mga namayapang magulang. Taon-taon sila kung umuwi ng anak. At ang bahay na
kinaroroonan ay ang bahay-bakasyunan nila tuwing nagpupunta sila sa Zambales, ang lugar kung
saan nakatira ang kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito.
Bumuntong-hininga si Bradley at tatayo na sana mula sa kinauupuang stool nang marinig niya ang
pag-ungol ng estranghera. Bumalik ang tingin niya rito. Pabiling-biling ito sa kama. There was that
pained expression on her face once more.
“Please, I beg you, Doc. Save my baby. The baby is all I have,” lumuluhang bulong ng dalaga.
Natigilan si Bradley. Kung ganoon ay iyon ang dahilan sa likod ng ipinakikitang ugali ng dalaga. Base
sa mga sinabi nito ay mukhang nawalan ito ng anak.
“No!” sigaw pa ng dalaga. “The baby can’t be dead! You’re lying!” Humagulgol ito. “Tell me you’re lying, noveldrama
Doc! My baby can’t be dead!”
Bradley’s heart went out to the stranger. Tumabi siya rito sa kama at tinangka itong gisingin. Marahan
niya itong niyugyog sa mga balikat. Luhaan pa ring nagmulat ang dalaga. Nahigit niya ang hininga
nang makita ang pagpatak ng mga luha nito. Nasorpresa siya nang yumakap ito sa kanya kasabay ng
muling pag-iyak.
“Have you ever experienced just waking up one day and regret that you’re still alive?”
The agony in the woman’s voice crushed his heart. “Yes, when my parents died. Ganyan din ang
pakiramdam ko,” mayamaya ay bulong ni Bradley. Gumanti siya ng yakap sa dalaga. “Woman, I don’t
know exactly what to say to you. Musikero lang ako. `Sabi ng mga kaibigan ko, sablay daw ako
pagdating sa pagpapayo. But life is like a music, stranger. We make our own lyrics and song. But
surely we can’t create sad songs for the rest of our lives. Our audience will be bored. Bukod pa ro’n ay
maikli lang ang tugtog ng buhay. You can’t be stuck in the same sad song. Live, woman. And make a
new song again. Tutulungan kita,” matapat niyang sinabi. “Ikaw ang bahala sa lyrics, ako ang bahala
sa nota. Bubuo tayo ng magandang kanta.”
“Wala nang magandang kanta na naghihintay pa para sa ‘kin,” basag ang boses na sagot ng
estranghera.
“Damn,” Napahugot si Bradley nang malalim na hininga. “Paano ba kita matutulungan?”
“I wish I could be invisible. I wish no one could see me, that no one could hear me. I’m too hurt to be
seen and be heard by everyone right now.”
Humiwalay si Bradley sa estranghera at pinakatitigan ito. Naiintindihan niya ang gusto nito. Iyon ang
minsan niyang hiniling nang maghiwalay sila ng ina ni Martina;: ang pansamantalang magtago mula sa
lahat ng mga bagay o tao na makapagpapaalala sa kanya sa sakit. “Are you asking me to hide you
from everyone?”
“Yes. Can you help me?”
Sinalubong ni Bradley ang mga mata ng dalaga. “Then I will hide you. But will you trust me?”
“Trust?” Natawa ang estranghera. “I have no one to trust anymore. Ni hindi nga ako sigurado kung
kaya ko pang pagkatiwalaan maski ang sarili ko.”
“Kung gano’n ay ako na lang muna ang magtitiwala sa `yo. Hindi ko alam ang pangalan mo. Ni hindi ko
alam kung saan ka nanggaling. Literal na wala akong alam tungkol sa `yo. Pero isasama pa rin kita sa
pag-alis namin ni Martina papuntang Portland. That’s trust, stranger. And one day, I’m going to teach
you more about that word.” Kinindatan ni Bradley ang dalaga. “Good thing my family happened to own
an airline company. We can even use our private jet.”
“EVERY businessman is hoping for the shark’s downfall. But they never thought it would be this easy.
Ni hindi sila nahirapan. Dahil basta ka na lang bumagsak.”
“Bro, I’m glad you came,” sa halip ay sinabi ni Ansel sa kadarating lang na si Alano habang abala pa
rin siya sa pagtatanim ng mga halaman. Hindi nabuhay ang mga naunang halaman na itinanim niya
noong nakaraang linggo kaya muli siyang nagtatanim ngayon. Paunti-unti ang pag-aayos niya sa
hardin ng bahay ni Yalena. Noong nagdaang araw ay pinalagyan niya iyon ng katamtamang laking
fountain sa pinakasentro.
“Magluluto ako mamaya ng sinigang na hipon. Isa ‘yon sa paborito ni Yalena. Saluhan mo ako. Para
hindi lang puro kapitbahay ang nakakatikim. Pinadadalhan ko sila ng mga niluluto ko, Al. They told me
the foods are superb.” Bahagyang natawa si Ansel. “Kaunting pang-uuto pa nila at baka magpadala na
ako sa suggestion nilang magbukas ng restaurant. I’m improving, bro. Yalena must come back to see
that.” Nang matapos sa pagtatanim ay tinapik-tapik niya pa ang lupa. “I beg you, plants. Please grow
so that when Yalena comes back—”
“Utang-na-loob naman, Kuya Ansel! Tumigil ka na! Puro ka na lang Yalena!”
Nagtagis ang mga bagang ni Ansel. Agad na inalis niya ang kanyang gloves at kinuwelyuhan ang
kapatid. “Don’t you ever talk to Yalena that way!”
“Bullshit!” hindi natinag na sagot ni Alano. Malakas siyang itinulak nito. “When you told us that you can
no longer handle the McClennan Corporation, Austin and I let you leave! Kahit na ang hirap-hirap
pamahalaan niyon dahil sa bigat ng responsibilidad na iniwan mo—”
“Because the Corporation isn’t ours! Hindi ko kayang pamahalaan ang kompanyang ninakaw lang ni
Papa sa iba! Ang kompanyang ninakaw niya sa pamilya ng babaeng mahal na mahal ko na hanggang
ngayon, sa awa ng Diyos, ni hindi ko pa rin alam kung nasaan!” Malakas na itinulak din niya ang
kapatid.
Alam ni Ansel na ipinamigay na nina Alano at Austin ang shares ng mga ito sa kompanya sa asawa ng
mga ito. Ibinigay niya rin ang buong shares niya kay Yalena. Inilipat niya iyon sa pangalan ng dalaga.
Pero dahil nawawala pa ito at hindi alam hawakan nina Maggy at Clarice ang kompanya ay ang mga
kapatid pa rin ang siyang namamahala roon. Pero hindi niya kayang gawin iyon.
Ni hindi niya maatim na pumasok pang muli sa loob ng kanyang opisina dahil napakaraming hindi
magagandang alaala ang hatid niyon sa kanya. Paulit-ulit niyang naaalala ang mga kasamaang ginawa
ng ama tuwing sumasagi sa isipan niya ang kompanya.
“Austin and I are trying our best to understand you, to fix our relationship with each other after what
happened. Ipinaubaya namin sa `yo ang pamamahala ng construction company na iniwan sa atin ni
Papa. Pero nalulugi na raw ‘yon ayon sa sources namin ni Austin.” Napahawak si Alano sa noo.
“Because you’re stuck here. You’re stuck with cooking, planting, cleaning, redecorating, and waiting.
“Nakalimutan mo na kung sino ka. Dito na umikot ang buong buhay mo.” Bahagyang humina ang
boses ni Alano. “Where is the real Ansel, brother? Let me talk to him. Let me see him. Let me hear his
voice at least. Because Ansel McClennan has been missing the very day Yalena left. Nagulo na ang
lahat sa atin sa pagkawala ni Yalena. `Tapos pati ikaw, nawawala pa. Paano na tayo lahat ngayon?
Saan na tayo pupulutin nito?”
Hindi nakasagot si Ansel.
“Sir, hindi ko po alam na may planong umalis si Ma’am Yalena. Nagpabili po siya sa akin sandali ng
mga prutas pagkalipas ng halos tatlong oras niyang pagpapahinga. Mahigpit po ang bilin niyang huwag
sasabihin sa kahit na sino ang nangyari. Mukha po siyang maghi-hysteria kaya wala na muna akong
tinawagan dahil naisip kong baka makasama sa kondisyon niya ang may makitang iba.
“Pero nang bumalik ako sa ospital dala ang mga prutas ay wala na po siya. Saka pa lang po ako
tumawag kina Sir Austin at Ma’am Maggy, pati po sa inyo pero unattended po ang numero n’yo.” Sa
hindi na mabilang na pagkakataon ay naalala ni Ansel ang mga sinabi na iyon ng gwardiya na siyang
naghatid kay Yalena sa ospital.
Mariing diniinan ni Ansel ng mga daliri ang gilid ng kanyang mga mata nang muli niyang maramdaman
ang pag-iinit ng mga iyon. Muntik nang masira ang pagsasama nina Austin at Maggy nang malaman
ng mga itong nawawala si Yalena.
Hysterical si Maggy. Sa laki ng galit sa kanya ng babae dahil sa nagawa niya kay Yalena ay nadamay
si Austin. Muntik na nitong iwanan si Austin. Kulang na lang ay lumuhod si Austin sa asawa maisalba
lang ang pagsasama ng mga ito. Si Clarice naman ay galit na galit na sinugod siya at nagbantang hindi
siya kahit kailan mapapatawad sa oras na hindi na matagpuan pa si Yalena. Nanlamig din sa kanya
ang mga kapatid. Kung mag-usap man sila ay puro tungkol na lang sa negosyo.
Dapat ay kasama pa ang resort sa pamamahalaan nila pero nang malaman nila ang insidenteng
nangyari noon sa Valenzuela ay ibinenta nila ang resort at ang perang pinagbentahan niyon ay
pinaghati-hati nila para sa mga pamilya ng mga namatay noon sa squatters’ area na isa-isa nilang
pinahanap sa private investigator. Huli man ay pinilit pa rin nilang makabawi sa mga iyon. Walang-wala
ang halaga niyon kapalit ng buhay ng mga taong namatay pero umaasa silang makatutulong pa rin ang
perang naibigay nila. Sa dami ng mga kasalanan ng kanilang ama ay malaki ang pasasalamat nilang
hindi sila idinamay ng mga dating nakatira sa squatters’ area sa galit ng mga ito para sa kanilang ama.
Sa kasalukuyan ay ang ina niya na lang ang nakahandang kausapin siya pero hindi niya rin ito
makausap nang lubos dala ng naging paglilihim nito sa kanya tungkol sa mga ginawa ng kanyang ama.
Dalawang buwan na ang matuling lumipas pero wala pa ring resulta tungkol sa pagpapahanap nila kay
Yalena. Wala ang pangalan ng dalaga sa mga nakalista sa mga lumipad papunta sa ibang bansa kaya
nakasisiguro silang nasa Pilipinas pa rin ito. Pero hirap na hirap silang matagpuan ang dalaga.
Napatingin si Ansel sa buong bahay ni Yalena na pinapinturahan niya ng paboritong kulay nito:kulay-
langit. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan siya humuhugot ng kapal ng mukha at lakas ng loob
para manatili pa sa bahay ni Yalena matapos ng mga kasalanan niya. Simula nang mawala ito ay hindi
na siya umalis pa sa bahay na iyon.
Kung may mga kakailanganin man siyang bilhin ay iniuutos niya na lang sa kasambahay na kasama
niya roon. Kumuha siya niyon para may maging kasama sa pag-aayos ng bahay. Ayaw niyang umalis
at malingat kahit na isang minuto dahil umaasa siyang babalik pa rin si Yalena dahil pagmamay-ari nito
ang bahay na iyon. Araw-araw ay parang may selebrasyon na naghahanda siya at nagsusuot ng mga
pormal na damit para sa pagbabalik ng dalaga ay nasa maayos ang lahat, malinis at mabango ang
kabahayan.
Sa kasalukuyan ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang maghintay kay Yalena. At alam niya na
abutin man siya ng habang-buhay ay kukulangin pa iyon sa mga kasalanan niya rito.
“Honestly, I also don’t know where the real Ansel McClennan is, Alano,” mayamaya ay mahina niyang
sinabi.
“He’s being blinded by guilt.”
“That and more, brother.” Naupo si Ansel sa isang stool doon at pinagmasdan ang patuloy na pagdaloy
ng tubig mula sa fountain. “I don’t think Ansel can ever come back. He had been completely lost
somewhere. Alam mo ba kung ano’ng pakiramdam niya ngayon? Pakiramdam niya, wala na siyang
ipinagkaiba sa ama niya. He killed his own child. He’s now a murderer too, Alano. And how… how can
a murderer ever restart his life again when the blood of his child will forever remain in his hands?”
Pumatak ang mga luha ni Ansel. “And that murderer is so afraid at the moment. Because there’s no
way he could correct his mistakes. Sobrang gago niya kasi, Alano. Ang bobo niya pa. Iyong babaeng
pinangangalandakan niyang mahal na mahal niya, sinaktan at pinagdudahan niya. Iyong babaeng
‘yon, sinaktan na rin ng tatay niya. Dinoble niya pa. Inalisan na nga ng mga magulang ni Benedict,
inalisan niya pa ng anak. Ansel had no mercy.” Nabasag ang kanyang boses. “Kaya kung sakaling
maawa ang langit at pabalikin si Yalena, hindi na siya umaasang mamahalin pa siya nito o patatawarin
man lang. But he will forever be stuck in one corner.”
Sunod-sunod siyang nagpakawala ng malalalim na hininga para pagaanin kahit paano ang namimigat
na dibdib. “You weren’t as stupid and as jerk as Ansel, Alano. You’re lucky. Kaya ang dali-dali para sa
`yong sabihing nagpapakagago siya sa paghihintay rito. You’ve heard how rotten Ansel was. After
everthing I told you, tell me. How… how can you ever expect Ansel to come back?”
“Oh, man.”
Mariing naipikit ni Ansel ang mga mata nang yakapin siya ng kapatid. Dalawang buwan pa lang iyon
simula nang mawala si Yalena. Paano na lang kapag umabot pa ng dalawang taon? Tatlo? O apat?
Shit. Baka ikamatay ko na.