The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 18



Chapter 18

“DALAWANG taon… Dalawang taon na wala siyang ibang ginawa. Hindi siya pumasok. Muntik nang

malugi ang construction company na ipinagkatiwala namin sa kanya ni Kuya Alano. He tried monitoring

everything from your house. Naroon lang siya parati sa bahay mo. Every day for two years, he would

prepare. Parating parang may fiesta sa hapag dahil umaga hanggang gabi, nakahain ang mga paborito

mong pagkain.

“Nangingintab din ang buong bahay mo. At tuwing anim na buwan kung papalitan niya ang pintura

doon para daw masigurong mukhang bago sa pagdating mo.” Natawa si Austin sa kabilang linya.

“Every day, he would wear his best attire. He made sure that things are all clean, all set, all perfect for

your return. Maghihintay siya sa garden o kaya ay sa gate. Kung uuwi ka, magugulat ka.

Namumulaklak na ang mga itinanim niya. Nagbunga ang mga paghihirap niyang magtanim. Ilang

beses ding namatay ang mga itinanim niya noon. So, imagine his joy when the flowers grew and bloom

one day.” Mayamaya ay natahimik si Austin. Ilang sandali ang lumipas bago ito nagpatuloy. “And every

day, he would listen to that necklace recorder. Dahil ‘yon lang daw ang paraan para marinig niya ang

boses mo. He would smile, laugh and then he would cry. Yeah, Ansel sucked the past years.”

Nagulat si Yalena. “Austin—”

“And then on the third year, nagulat kaming lahat nang bumalik siya sa McClennan Corporation na

Alvero and de Lara Corporation na ngayon,” parang walang narinig na patuloy ni Austin. “Ibinalik namin

ang totoong pangalan ng mga orihinal na nagmamay-ari ng kompanya. Ansel worked his ass off. Ang

sabi niya, kailangan daw matatag ang kompanya sa pagbabalik mo. Parati siyang nag-o-overtime. And

then one day, came the good news. Natagpuan ka na. He became conscious about his self. Nag-ayos

siya uli ng sarili. He was that nervous and excited to see you again. Hanggang sa nalaman niyang

ikakasal ka na.”

Bumuntong-hininga si Austin. “I’m sorry. Alam kong hindi ko `to dapat sinasabi sa `yo dahil ikakasal ka

na sa iba at hindi ko alam kung may pakialam ka pa sa kanya. But I… I wished you’d break it to him

gently. Because Yalena, more than three years ago, when you lost your baby, you didn’t die alone.

Ansel died with you.”

Napahugot nang malalim na hininga si Yalena sa naalalang pag-uusap nila ni Austin dalawang araw na

ang nakararaan. Nakuha raw nito ang contact number niya sa private investigator na inupahan nito at

ni Ansel para sa paghahanap sa kanya. Bumalik sa isip niya ang mga salita noon ni Ansel, ang

paghihirap sa mga mata at ang pait sa boses nito.

“I’m sorry about your nightmares. I’m sorry about our baby. But, Yana, the idea that you’ve lost our

baby because of me was more than a nightmare for me for the past years.”

Kumabog ang dibdib ni Yalena. Napatitig siya sa sariling reflection habang nakasuot ng kanyang

wedding gown. Madaling-araw pa lang ay ginising na siya ni Bradley, suot na nito ang itim na tuxedo

nito. Pinagbihis na siya kaagad ng binata. Gusto daw nitong maaga silang makarating sa simbahan.

Gusto daw nitong sila ang mauna roon kaysa sa mga bisita.

Mayamaya ay naipilig niya ang ulo. “You can do this, Yalena. Today, you will walk down the aisle and

marry Ansel.” Ansel. Oh, God.

Mariing nakagat ni Yalena ang ibabang labi sa magkakahalong damdaming sumapuso sa kanya.

Mahal niya pa rin ang panganay ni Benedict. Mula noon hanggang ngayon, ito pa rin. Unang araw pa

lang na nakita niya itong muli na naghihintay sa kanya sa gate ng bahay ni Bradley ay na-realize niya

na iyon. Pero natakot siyang aminin dahil hindi na pwede lalo na’t ikakasal na siya kay Bradley.

At si Bradley…makakaya niya bang biguin ito para lang bumalik sa isang walang kasiguruhang

relasyon na naman kay Ansel? Hinding-hindi siya sasaktan ni Bradley. Nakasisiguro siya sa bagay na

iyon. But Bradley will never make her heart beat either. Napahawak siya sa kanyang noo. Ano ba’ng

gagawin ko?

Ilang sandali pa ay napaigtad si Yalena nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng

kanyang kwarto. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at iniluwa ang nakangiting anyo ni Bradley.

“Shall we go?”

Sinikap niyang ngumiti. Tumayo siya at inabot ang nakalahad na palad ni Bradley sa kabila ng pagtutol

ng kanyang puso.

We’ve had our chance three years ago, Ansel. And maybe… that chance was our first and last. We

both blew it away.

MASUYONG inabot ni Bradley ang palad ni Yalena habang papasok sila sa simbahan. Nang

makarating sila sa pinto niyon ay huminto ang binata sa paglalakad.

“Let’s pretend. Kunwari, totoong kasal natin `to.” Itinuro ni Bradley ang altar. “Walk down the aisle very

slowly. Hihintayin kita ro’n. I…I just want to see you walk down the aisle and imagine that you’re really

mine.”

Nabigla si Yalena. “Bradley, ano ba’ng sinasabi mo—”

“Sssh.” Idinikit ni Bradley ang hintuturo nito sa mga labi ni Yalena. “Just walk, please.”

Umalis na ang binata sa tabi ni Yalena at pumuwesto sa altar. Naguguluhan man ay naglakad na rin

siya nang makita niyang sumenyas ito. Pero hindi pa man siya nakararating sa gitna ay tinakbo na siya

nito at mahigpit siyang niyakap.

“Hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang panoorin ka pa. Ang hirap palang magpanggap.”

“Bradley—”

“Dapat matuwa ako. Ansel came to our house last night. Nag-usap kami sa labas. Alam mo bang

nakipagkita siya sa akin mahigit isang linggo na ang nakararaan? Nagpakilala siya. Siya daw ang

karibal ko sa `yo. Lalabanan niya daw ako. But he gave up the fight last night. Pero, Lena, hindi ako

masaya. Isip ako nang isip. Paano kung nagkataon na ako ang nasa sitwasyon niya noon? Ano ba’ng

gagawin ko?

“For the past years, I hated the man who hurt you but I couldn’t bring myself to hate him when he

approached me. Dahil alam kong mahal ka rin niya, Lena.” Humigpit ang pagkakayakap ni Bradley kay

Yalena. “Aalis na siya mamayang gabi pabalik ng Pilipinas. Pero may isa siyang request. Hayaan ko

daw sana na makita ka niya bago tayo ikasal. He said he will bring you a wedding gift.”

Marahang natawa si Bradley. Naramdaman niya pa ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya bago siya

pinakawalan. “Ngayong araw ng kasal natin, ako ang magreregalo sa `yo.” Hinaplos nito ang kanyang

mga pisngi. “Ilang araw ko nang tinatanong sa sarili ko kung magagawa ba kitang pasayahin sa piling

ko. When I proposed to you, I had hope that I could. But then, I had doubts when Ansel came. Saka ko

na-realize na kaya lang pala kitang protektahan, mahalin, at ingatan. Kaya lang pala kitang itago sa

mga bagay na maaring makasakit sa `yo pero hindi kita kayang pasayahin.”

Napailing si Yalena. Parang kinurot ang puso niya nang makita ang sakit sa mga mata ni Bradley, sakit

na pilit nitong itinatago sa pamamagitan ng pagngiti. “Hindi totoo `yan—”

“Do you know that last night, you were having a real dream? Alam ko dahil nakipagpalit ako ng pwesto

kay Martina. Ako ang katabi mo kagabi nang ilang oras sa pagtulog. Hindi ka sumisigaw sa panaginip

mo `di gaya nang dati. Instead you seemed happy. You were smiling so beautifully. And I heard you say

something. You said you love Ansel. And I knew that very minute… that it’s time to let you go.”

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ni Yalena. “I’m sorry, Bradley. I just—”

“Wala ka nang kailangang sabihin pa. Naiintindihan ko. Nasasaktan ako pero hindi ako nagagalit. `Wag

mo akong piliin dahil lang sa utang-na-loob, Lena. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them

that the wedding is off. Si Ansel na lang ang hindi pa nakakaalam. Pero pinakabit ko pa rin ang mga

decorations dito sa simbahan.” Ngumiti si Bradley. “I told you, I wanted to daydream. Ipinaliwanag ko

na rin ito kay Martina. Don’t worry, the kid’s pretty smart. Nasasaktan man siya ngayon pero alam kong

maiintindihan niya rin isang araw.” Magaan na hinalikan siya nito sa mga labi. “Aalis na muna ako.

Ansel will be here any minute. I wish you the best, sweetheart.”

Nang tatalikuran na sana ni Bradley si Yalena ay mabilis na pinigilan niya ang binata sa braso. Niyakap

niya ito kasabay nang muli niyang pagluha. “Hindi ko gustong saktan ka, Bradley.”

“Alam ko.” Marahang binaklas ni Bradley ang mga braso ni Yalena na nakayakap dito. “Once, you

wished to be invisible. Ibinigay ko iyon sa `yo. Now, it’s my turn to wish the same thing. Pretend that

you’re not seeing me hurt so you wouldn’t be hurt as well. Ayokong nasasaktan ka dahil sa akin. Do

that for my pride, too.”

Nang tuluyang tumalikod si Bradley ay napaharap si Yalena sa altar at pinakatitigan ang imahe roon.

Noong mga panahong nahihirapan akong maniwala na totoo Kayo, na totoong may Diyos at mga

anghel, ipinadala N’yo ang dalawang anghel N’yo sa pamamagitan nina Bradley at Martina. I must not

worry, right? Because angels will be forever blessed.

Hindi nagtagal ay may narinig siyang mga papalapit na yabag. Walang pagmamadali sa kilos na

humarap si Yalena sa pinto ng simbahan. At gaya nang inaasahan ay nakita niya si Ansel. Ngayon niya

na lang ito nakita matapos nang naging pag-uusap nila ilang araw na ang nakararaan sa restaurant ni

Simone. Ibinalik na nito sa orihinal na kulay ang buhok nito. Wala na rin itong suot na contact lenses.

Gumuhit ang sinserong ngiti sa kanyang mga labi. Sino ang mag-aakala na pagkalipas ng lahat ay sila

pa ring dalawa ang magkakatuluyan? Ang sitwasyon nila ni Ansel ay isang malaking patunay na

totoong may himala.

“As Neal Maxwell once say, faith in God includes faith in His timing, Yana.” Bigla ay umalingawngaw sa

kanyang isipan ang minsang sinabing iyon sa kanya ng ama noong nabubuhay pa ito. Dad, are you

here with me? Have you been guiding me all these time?

Muli ay napaharap si Yalena sa altar. Thank You. Thank You for allowing me to hear dad’s voice again.

Muling tumulo ang kanyang mga luha. I’ve missed that voice so much. I’ve missed dad so much.

NAHIGIT ni Ansel ang hininga nang masilayan ang matamis na pagngiti ni Yalena nang humarap ito sa

kanya. Nanuyo ang lalamunan niya. Napakaganda nitong ikakasal. Naalala niya noong panahong nag-

propose siya rito. He imagined Yalena wearing the same wedding dress that she was wearing right

now. He imagined her smiling at him as she walks down the aisle. Pero mananatili na lang sa

imahinasyon niya ang bagay na iyon.

Nag-iwas siya ng mga mata kay Yalena para hindi nito makita ang pagdaan ng kirot sa kanyang

mukha. Iginala niya na lang ang tingin sa buong simbahan. Kulay-langit ang motif doon, ang siyang

paboritong kulay ni Yalena. Iyon din ang motif nila para sa kasal sana nila noon. Nanikip ang dibdib ni

Ansel. Humigpit ang pagkakahawak niya sa maliit na kahon. Nakalagay roon ang necklace recorder at

duplicate key niya ng town house ni Yalena sa Pilipinas, tanda na pinapalaya niya na ito. Pero bigla ay Content from NôvelDr(a)ma.Org.

naduduwag siyang gawin iyon. Paano niya ba ito pakakawalan nang hindi namamatay ang puso niya?

“Come here.”

Muling napaharap si Ansel kay Yalena nang marinig ang malamyos na boses nito. Nakalahad ang

isang palad nito sa kanya.

“Ang sabi ni Bradley, may sasabihin ka raw sa ‘kin. Maupo na muna tayo.”

Sa halip na abutin ang kamay ni Yalena ay ibinigay na lang niya rito ang hawak na regalo at ipinasok

niya ang mga kamay sa bulsa ng kanyang jacket. “That’s my… wedding gift. I’ve been rehearsing for

the past few days on how to say congratulations and best wishes. Pero ang hirap palang sabihin ng

mga bagay na iyon sa personal. Kaya kung sakaling magkita pa tayo pagkatapos nito, saka na lang

siguro kita babatiin. Because I can’t… congratulate you sincerely right now. And I can’t… really hold

your hand.” Napahugot siya nang malalim na hininga. “Because I’m afraid I might never let go of your

hand anymore.”

“Kung sakali bang tayo ang ikakasal, ano ang ipapangako mo sa akin sa harap ng altar?” sa halip ay

tanong ni Yalena.

Idinaan ni Ansel sa tawa ang sakit na nadarama. “You’re cruel. Do you know that?”

“Come on,” muling ngumiti si Yalena. “I need to hear you say it. I need to know I made the right choice.”

Kumabog ang dibdib ni Ansel. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Just say it, Ansel. Let me hear your vows.”

“When I was younger, parati akong pinagsasabihan ni Mama. Hindi ko raw kasi sineseryoso ang

pagdarasal. But when you were gone, I started to pray seriously. Every single day, I would ask you

from God. Nangako ako sa Kanya na kung sakaling matagpuan kita at magawa mo pa rin akong

mahalin sa kabila ng mga nagawa ko sa `yo, gagawin ko ang lahat ng gusto mo.” Dahan-dahang

humakbang si Ansel palapit kay Yalena. Nang hindi na mapigilan ang sarili ay inabot niya rin ang mga

kamay nito. Kung iyon na ang huling pagkakataong magagawa niya iyon, dapat pala ay samantalahin

niya na habang wala pang nakasuot na singsing ng ibang lalaki sa daliri nito. Buong pagmamahal na

hinalikan niya ang mga kamay nito.

Namasa ang kanyang mga mata. “I told God that I will serve Him every day. I will be the man He wants

me to be. Lahat, gagawin ko para maging karapat-dapat para sa `yo. I will be your slave, Yana. I will be

your follower. You can lead my whole life and it’s okay as long as I wouldn’t have to search for you

anymore, as long as you will always be right next to me. If this is our real wedding, I will tell you that

every minute of our lives, I will show you what true love is.” Naghihirap na napailing siya. “But God…

this isn’t our wedding.”

“So the shark really loves the dragon? Can the dragon trust the shark this time?”

“Yes. Ngayong alam na ng pating kung paano ang buhay nang wala ang dragon, makakaasa ang

dragon na hindi na siya muling sasaktan ng pating. More than three years of agony taught the shark a

great lesson: and that’s to never hurt the one he loves. Yalena, mahal kita. Mahal na mahal kita.”

Niyakap niya ang dalaga. “Paano… paano ba kita pakakawalan nito? Natatakot ako. Paano ba ako

makakabalik sa Pilipinas? How can I ever face Maggy, Clarice, Austin and Alano without remembering

you? Mahigit tatlong taon na ang anak nina Maggy. Magdadalawang taon naman ang anak nina

Clarice at Alano. How can I bear to look at those kids without thinking that we could have had ours?”

Nasorpresa si Ansel nang maramdaman ang pagganti ng yakap ni Yalena. His tears fell. Kay tagal

niyang nangulila sa pamilyar na init na hatid ng yakap nito.

“Bradley told me that for the first time, I had a beautiful dream last night. Hindi na raw ako binangungot.

And I think that was a good sign. Ang sabi ni Bradley, tinatawag daw kita sa panaginip ko. And I was

saying I love you.”

Natulala si Ansel.

“Mabuting tao si Bradley at mahal niya ako. Pero may iba’t ibang antas ng pag-ibig. May pag-ibig na

tumatagal nang habang-buhay sa puso mo kahit na ayaw mo. That’s the kind of love I have for you,

Ansel.”

Umahon ang pag-asa sa puso ni Ansel. Mabilis na kumawala siya sa dalaga at pinakatitigan ang

maamong mukha nito. “You mean—”

Naluluhang tumango si Yalena. “The wedding is off. Bradley lets me go.”

“Oh, God! And here I thought my prayers weren’t heard.” Idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga.

Ipinaikot niya ang mga braso sa baywang nito. “Thank you, Yana. I love you so much!”

“They say love endures,” marahang bulong ng dalaga. “Thank you for loving me all these years, Ansel,

and for enduring the pain. Maraming salamat kasi dumating ka… at sinundo ako. I love you.”

Gumaralgal ang boses nito. “Sa susunod na araw, umuwi na tayo, ha?”

Umuwi na tayo. God… those three words were the most beautiful words he had heard after a long

time.

Sunod-sunod na tumango si Ansel. “Uuwi na tayo,” aniya bago ginawaran ng halik ang mga labi ng

dalaga. Pagkalipas ng ilang taon, muling nabuhay ang puso niya. Naalala niya ang habilin ng ina bago

siya nagpunta sa Portland. Ito at ang mga kapatid lang niya ang nakakaalam ng pagpunta niya roon.

Sa kalaunan ay muli niya ring nakasundo ang kanyang ina at mga kapatid.

Romans chapter fifteen verse four; for everything that was written in the past was written to teach us,

so that through the endurance taught in the Scriptures and the encouragement they provide, we might

have hope, Ansel.

Thank you, Mom. And thank You, Lord. Thank You for hearing my prayers even though I don’t deserve

it. You’re the best.

Wakas

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.