The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 6



Chapter 6

“NO WAY! I will not deal with him again, Dennis. Makakahanap pa tayo ng ibang paraan. Pero isang

bagay ang sigurado; I will never be the one to come to Benedict’s eldest son. He’s not into me, okay?

Tanggapin mo na `yon. Nakita mo na nga’t nabahag ang buntot niya,” mahabang paliwanag ni Yalena

kay Dennis sa kabilang linya. “Mahaba pa ang bakasyon ko. Bukod pa ro’n ay dalawa na tayong

kumikilos dito. I’m sure we can still find Benedict even without anyone’s help.”

Tinapos na ni Yalena ang pakikipag-usap kay Dennis. Mahigit isang buwan nang hindi nagpapakita sa

kanya si Ansel simula nang tawagan niya ito sa opisina at naglatag ng mga kondisyon niya rito.

Sinusubukan lang niya kung magagawang mapasunod kahit paano ang tinitingalang “shark” ng bansa

sa larangan ng pagnenegosyo dahil nang magdeklara si Ansel na liligawan siya at nang sumipot ito

kinabukasan sa kanyang bahay para ipaghanda siya ng almusal ay nakatanaw ng pag-asa si Dennis.

Katulad ni Yalena ay nag-imbestiga rin si Dennis patungkol sa magkakapatid na McClennan. At wala

pa raw babaeng niligawan si Ansel at pinagsilbihan sa buong buhay nito. Kung magagawa niya raw

paikutin ang binata ay malaking bentahe iyon para agad nilang mahanap si Benedict.

Bahagi talaga ng orihinal na plano nila ng kakambal at ng kaibigan na kahit paano ay pahirapan ang noveldrama

mga anak ni Benedict sa pagsisilbi sa kanila kaya iyon ang mga ibinigay niyang kondisyon kay Ansel.

Gusto niyang sa ganoon man lang na paraan ay makaganti siya sa mga kasalanan ng ama nito. At

aaminin niyang kahit siya ay umasa rin. Dahil naniwala siya sa mga sinabi ni Ansel noon.

Muntik niya nang malimutang nasa lahi pala nito ang manloko ng kapwa. Hindi pa siya nadala sa mga

ginawa ng ama nito. Napabuntong-hininga siya. Aminin niya man o hindi ay may maliit na bahagi sa

puso niya ang umasa na sana ay seryoso nga talaga si Ansel sa kanya. At ayaw niya nang halukayin

pa sa isip kung bakit.

Wala siyang balita tungkol kay Ansel mula kina Maggy at Clarice na hanggang ngayon ay

nakikipagmatigasan pa rin sa kanya tungkol sa kinaroroonan ni Benedict. Dahil hindi tumupad sa

usapan nila si Ansel ay hindi niya na tinanggap pa si Lexy pero hindi niya na rin pinabalik pa sa

serbisyo si Dennis dahil nakakahalata na siya. Ilang beses na dumalaw sa kanyang bahay sina Maggy

at Clarice noong panahong bodyguard niya pa si Dennis. Kakaiba kung makatingin ang dalawa sa

binata. Bigla ring nag-iba ang mga salita ng kakambal niya. Protektado naman umano ng security

guards ang village na kinaroroonan niya kaya hindi na kakailanganin pa ng bodyguard.

Muling napabuntong-hininga si Yalena. Siguro ay may nasabi si Radha sa kakambal at sa kaibigan

niya. And the worst part was that Yalena couldn’t contact Radha anymore. Napu-frustrate na tumayo

siya at iniwan ang tuwalya, cell phone, at susi ng kanyang kotse sa lounging chair. Dere-deretso siya

sa swimming pool at nag-dive roon. Nasa club house siya nang mga sandaling iyon para maglibang

pansamantala. Nakailang ulit siya sa paglangoy bago huminto at umahon.

Babalik na sana siya sa kanyang silya nang may isang kamay na pumigil sa kanyang braso at

malaking tuwalyang pumaibabaw sa kanyang katawan. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.

Pamilyar ang kamay na humahawak sa kanya nang mga sandaling iyon. Dahan-dahan siyang nag-

angat ng mukha. Sumalubong sa kanya ang nakakunot-noong anyo ni Ansel.

“For crying out loud, woman!” mahina pero mariing sinabi ng binata. “Are you aware of how many eyes

are feasting on your body right now? How can you be here alone? And why the hell are you wearing

such skimpy bikini and—”

“Teka nga…” Inalis ni Yalena ang kamay ni Ansel sa kanyang braso nang sa wakas ay makabawi sa

pagkabigla. “Why do you even care?”

“Damn it!” nasambit ng binata bago siya hinila palapit sa katawan nito at kinuyumos ng halik sa

kanyang mga labi.

YALENA tried hard not to respond to Ansel’s kisses but she didn’t succeed. Kahit nag-aalangan ay

umangat pa rin ang isa niyang braso at ipinaikot iyon sa batok ng binata at marahang pumikit. When

Ansel kissed her, she felt needed, as if she was the most important woman for him at that very

moment.

Noong una ay marahas at mapusok ang halik na para bang gusto siyang parusahan ng binata pero

hindi nagtagal ay naging masuyo iyon. It was as if he was trying to relay a message to her, a message

that she couldn’t understand—not when she was too dazed by that blissful sensation brought by his

kisses. Alam niyang panganib ang posibleng idulot sa kanya ng halik na iyon pero hindi siya lumayo sa

binata sa halip ay inilapit niya pa ang sarili rito at dahan-dahang tinugon ang bawat halik nito. Hindi

siya marunong humalik pero magaling magturo si Ansel hanggang sa unti-unti ay nagawa niya nang

ibalik ang intensidad ng bawat halik nito. She felt him smile in the middle of their kiss.

Yalena felt like something gentle struck her heart. Pakiramdam niya ay tumatagos sa kanyang kaluluwa

ang mga halik ni Ansel. It was like he was communicating with her exhausted soul, with her scarred

heart and the thought of it scared her. Agad siyang nagmulat ng mga mata at tinulak ang binata.

“I’m sorry,” sinabi ni Ansel.

Hindi nakasagot si Yalena. Napailing na lang siya at mayamaya ay nagsimula nang maglakad palayo

sa binata. Pero humabol ito at muli ay pinigilan siya sa braso. Kuyom ang mga kamay na humarap siya

rito. Mabilis ring naglaho ang anumang negatibong nadarama niya nang mapagmasdan ang mukha ng

binata. Hindi niya inaasahang mangungulila siya sa anyo nito. Nakapusod ang hanggang balikat nitong

buhok. Nakasimpleng puting V-neck shirt lang ito, maong na pantalon at rubber shoes. Pero lutang pa

rin ang kakisigan nito. Bakat na bakat sa suot ng binata ang malalapad na dibdib nito.

Napatitig si Yalena sa mga mata ni Ansel. Malinaw niyang nakita ang sariling reflection sa mga iyon.

Lalo siyang dinagsa ng takot dahil bukod pa roon ay may nakikita pa siyang iba. Bigla ay nakikita niya

ang sarili na nakatitig lang sa ginupit niyang solong litrato ni Ansel mula sa ibinigay sa kanya ni

Benedict noon. Nakita niya ang sariling may matamis na ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan ang

anyo nito. Nakikita niya ang bata niyang sarili sa pamamagitan ng mga mata ng binata at hindi

magandang senyales iyon.

“It’s perfect. Don’t you see?”

“What is?” parang may nagbabarang kung ano sa lalamunang naitanong ni Yalena.

“This. Us. Didn’t you feel it in the way we kissed?” Muli ay hindi nakasagot si Yalena. “Look, I’m truly

sorry Yale—I mean, Attorney.” Naisuklay ni Ansel ang mga daliri sa buhok nito. “I’m sorry I lied when I

said I’ll meet you last month.”

“It’s all right.” Kunwari ay balewalang nagkibit-balikat si Yalena kahit pa walang tigil sa pagdagundong

ang kanyang dibdib. “I didn’t believe half of what you said anyway.”

Hindi niya inaasahan ang pagrehistro ng rejection at kung ano pang emosyon na hindi niya

mapangalanan sa mga mata ni Ansel. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso hanggang

sa tuluyan na nito iyong pakawalan.

“Kasalanan ko `to. Natakot kasi ako. Natakot ako dahil pakiramdam ko, nawalan na ako ng kontrol sa

buhay ko simula nang dumating ka. I was scared because I thought I was slowly losing myself. Kaya

nagpakalayo-layo ako. Sa halip na si Alano ay ako ang dumeretso sa Bataan para ayusin ang thermal

plant ng kompanya roon. And then I went to Zambales and Laguna to handle the construction of our

hydro power station. I was that desperate to be away from you for a while.” Napahugot ang binata ng

malalim na hininga. “Pero nakapasok ka na dito.” Itinuro nito ang sentido. “Napasuko mo na rin ito.”

Sumunod na itinuro nito ang dibdib. “In the end, ako lang ang nahirapan sa ginawa ko. That’s why here

I am now.”

Mariing nakagat ni Yalena ang ibabang labi. Bakit siya ngayon ang biglang natatakot nang husto?

“Aren’t you scared anymore?” sinabi niya na lang makalipas ang ilang sandali.

“Not anymore.”

Halos hindi mapaniwalaan ni Yalena ang sinseridad na nasasalamin sa mga mata ni Ansel.

“Mas nakakatakot pala ang hindi ka makita, ang hindi ka marinig, ang hindi makatikim ng pagtataray o

pambabara mo.” Marahang natawa ang binata. “Forty-two days ago, I left my office dying to kiss you.

Nasa gate na ako ng village n’yo nang umurong ako. I went away to think. But forty-two days after, I

still want the same thing. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko para

sa `yo.

“Ang alam ko lang, sobra-sobra ang pagseselos ko habang iniisip ko na baka sa nakalipas na mga

araw, magkasama kayo ni Dennis at mas naging malapit sa isa’t isa.” Nagsalubong ang mga kilay ni

Ansel. “That tortured me. There’s just something that I realized upon thinking of you and Dennis. I

realized I want to be somebody. I realized I want to be your hero. Kaya handa na ako.”

Mula sa bulsa ng pantalon ni Ansel ay dinukot nito ang isang susi. “May duplicate key si Maggy ng

bahay mo. After several hours of convincing her, she finally gave this to me. Nakapaglinis na ako ng

bahay mo. Nakapagluto na rin ako. Hindi na ako aasang magugustuhan mo ang niluto ko.”

Sumimangot ito. “Even I wouldn’t like it.” Bumakas ang pagkadismaya sa boses nito. “Pero ayaw mo

kasi ng pagkain sa labas kaya pagtiyagaan mo na muna sana hanggang sa matutunan ko kung paano

magluto nang tama. But I must admit, deep down, I’m expecting you’d give me an A… for the

tremendous effort.”

AMUSED na napangiti si Yalena habang pinagmamasdan si Ansel na kasalukuyang abala sa pamimili

ng mga gulay. Nasa supermarket sila nang mga sandaling iyon. Matapos nitong magtanim ng Bermuda

grass sa kanyang hardin ay nagpahinga lang ito sandali at mayamaya ay nagyaya na sa kanya

papunta sa supermarket para mamili umano ng mga ingredients na gagamitin nito sa pagluluto ng

kanilang hapunan.

Apat na linggo na ang nakararaan ay duda siya kung magagawa nga bang panindigan ni Ansel ang

mga sinabi nito sa kanya noon sa clubhouse. Pero araw-araw na lang ay sinusorpresa siya nito. Dahil

may pasok ang binata ng alas-otso ng umaga, alas-singko pa lang ay nasa bahay niya na ito para

tuparin ang mga sinabing ipaghahanda siya nito ng almusal pagkatapos ay sabay silang kumakain. Si

Ansel pa ang boluntaryong naghuhugas ng kanilang mga pinagkainan bago ito umaalis. Magkasama

rin silang naghahapunan. Dahil tinubuan na rin siya ng awa para sa binata sa hindi maipagkakailang

effort nito ay siya na ang kusang nagluluto ng kanilang makakain tuwing gabi.

It was a challenge because she had kept her hands-off the kitchen for more than four years. Mabuti na

lang at natatandaan pa rin ni Yalena ang ilang putahe na itinuro sa kanila nina Maggy at Clarice ng Tito

Harry nila na kahit pa dating nurse ay expert sa kusina. Pero sinasadya niyang gawing matabang o `di

kaya ay maalat ang niluluto niya para hindi makahalata si Ansel na may alam siya sa kusina dahil

gusto niya ang idea na ipinagluluto siya nito.

Paulit-ulit siyang nakakaramdam ng pangungulila sa kanyang Uncle tuwing nagluluto siya pero kahit

paano ay nawawala iyon tuwing nakikita niya ang mga ngiti ni Ansel. Alam niyang may sariling chef

ang binata sa mansiyon nito at hindi ito sanay kumain nang basta-basta na lang na mga pagkain pero

hindi ito nagrereklamo sa mga inihahain niya.

Damang-dama ni Yalena ang sobra-sobrang effort na ibinibigay ni Ansel para lang magkasundo sila.

Tuwing Sabado’t Linggo ay namamasyal sila sa kung saan-saan o `di kaya ay nagbababad lang sa

kanyang bahay at nanonood ng kung ano. Matapos ang dalawang linggo na pagpapabalik-balik ng

binata sa town house niya, sa mansiyon at sa opisina nito ay parang napagod nang binili na lang nito

ang bakanteng town house na katabi mismo ng bahay niya.

Ngayon ay opisyal na magkapitbahay na sila ni Ansel. Gaya niya ay wala itong mga kasambahay kahit

pa alam niyang nasanay ito na mayroong mga ganoon. May mga pagkakataon pang ginagabi ito nang

husto sa pag-uwi sa sariling bahay nito o `di kaya ay sa tabi niya na ito nakakatulog dahil simula nang

mapadalas ang pagkikita nila ay nanumbalik ang kanyang mga bangungot tungkol sa nakaraan.

Naglaho ang ngiti ni Yalena sa naalala. Matagal-tagal na rin siyang hindi binabangungot. Magtatapos

na siya ng kolehiyo noon nang tumigil na iyon nang tuluyan. Pero ngayon, halos gabi-gabi ay parang

dam na nagre-replay sa bawat panaginip niya ang lahat. Napabuntong-hininga siya. Matapos mabili

ang mga de-latang ibinilin sa kanya ni Ansel ay itinulak niya na ang kanyang cart pero may mga kamay

na humarang doon dahilan para matigil siya. Dahan-dahang nag-angat siya ng mukha. Bumungad sa

kanya ang isang nakangiting tsinitong lalaki.

“Hello,” palakaibigang sinabi ng lalaki. “Ilang beses na rin kitang nakikita. We live in the same village.”

Inilahad nito ang isang palad sa kanya. “I’m Jerome.”

“Oh. Hi, Jerome,” anang isang baritong boses na bigla na lang sumulpot sa tabi ni Yalena. Nasorpresa

siya nang si Ansel ang umabot sa kamay ng nagpakilalang Jerome habang ang isang kamay nito ay

mabilis na naglagay ng mga pinamili nito sa kanyang cart at mayamaya ay umakbay sa kanya. “I’m

Ansel McClennan and this is my girl, Yalena. I also live in the same village.” Ngumiti si Ansel. “Now,

please take your hands off my girl’s cart. We are about to leave.” Kahit mahinahon ay hindi maitatanggi

ang diin sa likod ng boses ng binata.

Napatango na lang si Jerome pero nananatiling nakapaskil ang ngiti sa mga labi. Binitiwan na nito ang

cart ni Yalena. Si Ansel na ang kusang nagtulak doon habang nananatiling nakaakbay sa kanya ang

isang kamay. Dumeretso na sila sa counter at pumila.

“That was the reason why I moved in your village,” sa pagkakataong iyon ay makulimlim na ang

anyong bulong ni Ansel. “Hindi ko na maalala kung ilang lalaki na ang personal na naghatid ng kung

ano-anong pagkain sa bahay mo bilang welcome gift daw sa `yo rito at ako pa ang tumanggap sa lahat

ng iyon dahil ako ang nagkataong madalas nasa garden mo at nakikipagtuos sa mga binili mong

halaman.” Marahas na napahugot ito ng malalim na hininga. “Kaya ayokong iniiwanan ka. Natatakot

akong baka may pumalit kaagad sa pwesto ko.” Nakikiusap na tinitigan siya nito. “Can’t you consider

me as a boyfriend yet? Nagbago naman na ako, Yalena.”

Hindi kaagad nakasagot si Yalena. Bumakas ang frustration sa anyo ng binata. Mayamaya ay

nanahimik na lang ito hanggang sa makalabas na sila ng supermarket. Gaya nang dati kapag

nagpupunta sila roon ay hindi na sila nagdadala ng sasakyan dahil walking distance lang iyon. Ilang

lakaran lang iyon mula sa gate ng kanilang village. Bukod pa roon ay gusto niyang naglalakad kasama

ng binata. It made Ansel appear more approachable whenever he walked with her. Pakiramdam niya

ay mas madaling maabot ang binata kapag gumagawa ito ng mga simpleng bagay na kasama siya.

Nanatiling walang mababakas na emosyon sa mukha nito habang naglalakad sila pauwi.

“I’m sorry. Galit ka ba?” nag-aalangan niyang tanong. Ngayon lang nagkaganoon si Ansel sa kanya. At

hindi siya sanay. Pero nanatili pa rin itong walang kibo. Nang hindi na makatiis ay tumigil na siya sa

paglalakad at pinigilan ang binata sa braso. Hindi siya nito pinagbibitbit ng kanilang mga pinamili kaya

ito ang may hawak ng dalawang malalaking plastic bags habang ang isang kamay nito ay mayroon

pang malaking payong para sa kanilang dalawa kung sakali daw na umulan.

Something warm touched her heart upon seeing him like that. Laging ganoon ang nadarama ni Yalena

tuwing nakikita si Ansel. Dahil malayong-malayo na ang itsura nito kompara sa napakatayog na Ansel

noon. He looked so good in being domestic. He looked all the more masculine in her eyes. “Mahaba-

haba pa ang lalakarin natin. Kung nagagalit ka, ngayon na natin pag-usapan—”

“Oo, nagagalit ako.” Basta na lang ibinaba ni Ansel ang dalawang plastic bags at payong sa gilid ng

kalsada. “Pero hindi sa `yo kundi sa sarili ko. Nagagalit ako kasi nagseselos na naman ako. Nagagalit

ako kasi ang dami kong gusto na hindi ko alam kung maibibigay mo.”

“Tulad ba ng ano?”

“You still don’t trust me, do you?” sa halip ay ganting-tanong ng binata. “Araw-araw, hinihintay kita.

Naghihintay lang ako nang naghihintay na magkwento ka naman ng tungkol sa sarili mo. I’ve been

waiting for you to open up to me like what I did to you. I’ve been waiting for you to share with me some

things about your family, your fears, your dreams, or the things that makes you happy. Pero palagi

mong iniiwasang gawin ang mga ‘yon. Hindi mo ako binibigyan ng pagkakataong mas makilala ka.”

Naihilamos ni Ansel ang palad sa mukha nito. “Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang

mga paborito mong pagkain. Kapag nagluluto ako, wala ka namang sinasabi. Ni hindi ko nga alam

kung nagugustuhan mo.

“Hindi ko rin alam kung anong klaseng pelikula ang gusto mo. Kapag lumalabas tayo at tinatanong kita

kung ano’ng gusto mong panoorin, lagi mong sinasabing ‘kahit na ano.’ But those things make me all

the more frustrated.” Humarap si Ansel kay Yalena. “Paanong kahit na ano? Hindi ko alam kung ano’ng

gusto mo dahil wala ka namang sinasabi! I don’t even know if you like me or me courting you would

somehow promote me to a deeper level because you wouldn’t show me!” Bumakas ang paghihirap sa

boses nito. “I’m trying to make this work but you wouldn’t help me.

“Ni hindi ko nga alam kung ‘yong mga ginagawa ko ba ay tama dahil wala naman akong naririnig sa

`yo.” Bumuntong-hininga ito. “Alam kong dapat akong maghintay. But every single day, although I’m

happy being with you, I feel lost. Because I don’t know what to do, Yana.”

“Ansel—”

“You are too cold! I don’t know what triggered that. And then you have those nightmares, na ni hindi ko

alam kung tungkol saan. Gusto kong makihati sa `yo. Gusto kong maging bahagi ng buhay mo pero

ayaw mo akong hayaan.” Naipilig ng binata ang ulo nito. “Saan ba ako lulugar, Yalena?”

“Bakit?” naibulong ni Yalena kahit pa nakikita na sa mga mata ng binata ang posibleng sagot sa tanong

niya. Napalunok siya. “Bakit mo nga ba ginagawa ang lahat ng `to? Bakit mo gustong maging bahagi

ng buhay ko?”

“Dahil mahal kita! Hindi pa ba malinaw `yon sa `yo? Gusto kong pagkatiwalaan mo ako! Gusto kong

mahalin mo ako! Gusto kong isipin mo rin ako! Gusto kong ikonsidera mo ako bilang lalaki na pwede

mong mahalin.” Lumapit sa kanya si Ansel at nakikiusap na hinawakan siya sa mga balikat. “Open up

to me, Yalena. Need me. Own me. Possess me. Heto na ako, o. I’m willing to be owned now.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.