Chapter 15
Chapter 15
WALA bang awa ang Diyos? Iyong nag-iisang tao na ipinagdarasal ni Holly na huwag niyang makita,
hayun at nasa harapan niya muli. Pakiramdam niya ay gusto ng pumutok ng puso niya, puso niyang sa
kabila ng lahat ay hayun at kay lakas pa rin ng pagpintig nang muling masilayan si Aleron. Mariing
diniinan niya ang gilid ng mga mata, umaasang mapipigil niyon ang pagluha.
“Alam ko na ang totoo. I know what you went through-“
Mabilis na napailing si Holly. “No, Aleron. You don’t know half of what I’ve been through.”
Bumakas ang matinding pagsisisi sa anyo ng binata. Inignora niya ang nakikitang pasa sa ilalim ng
kaliwang mata nito pati na ang mistulang pumutok na gilid ng mga labi nito.
“Totoong minahal kita. At hanggang ngayon, mahal pa rin kita, Holly. Even before I found out the truth, I
was about to come back for you. Tama ka. Maybe if Athan is still alive, he would deserve someone like
you more than I do. Kasi matapang siya. Ilang ulit siyang sumugal para sa pagmamahal sa inakala
niyang ikaw. But Holly, you knew my story. Nakausap ko si Cedrick kahapon nang puntahan kita sa
inyo. Ang sabi niya, alam mo na daw ang lahat. Alam mo rin ang mga pinagdaanan ko. How can I not
be scared?”
Nangilid ang mga luha ni Aleron. “I don’t have anyone else in this world anymore. I only have myself. I
only have this heart, this stupid thing inside me.” Itinuro pa nito ang dibdib. “And if I lose this, I don’t
think I can ever live again.”
Humakbang palapit kay Holly si Aleron. Itinukod nito ang isang tuhod sa lupa. Inabot nito ang palad
niya. “Aminado akong ang gumanti lang ang dahilan kaya ako pumasok sa buhay mo. It was foolish.
Desperado akong makahanap ng mapagbabalingan sa kawalan ko. All I did was to plan to get you.
Because mourning makes me feel all the more invalid, all the more empty. And Athan’s diary helped
me execute my plan. Nakasulat doon ang lahat ng tungkol sa ‘yo. At hindi ako naghinalang
magkaibang tao ang nakasama ko sa nakasulat sa diary. Because Athan was able to describe you
perfectly except from the way you eat.” Bahagyang napangiti si Aleron pero hindi iyon umabot sa mga
mata nito.
“The way you dress, the way you talk and even the way you move while you were with me were all
written in the diary. Pero minahal kita sa kabila ng warning signs sa utak ko. Kinalimutan ko ang
paghihiganti, Holly. Sinubukan ko rin namang sumugal sa sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama
kita. I even planned to tell you the truth about me. But the night before our wedding, I saw you kissing
someone else. Ganoong-ganoon ang nakalagay sa diary ni Athan na paraan ng pakikipaghiwalay sa
kanya ni Hailey.”
Natawa si Aleron pero walang kasing pait iyon sa pandinig ni Holly. “Sa garden din sa townhouse na
‘yon nangyari. Pakiramdam ko, inulit mo lang sa akin ang ginawa mo kay Athan. The painful memories
brought by my mother also came into me. Akala ko pinaglalaruan mo lang ako. That’s why I pushed
through with the plan.”
Ilang sandaling napamaang si Holly. Napaawang ang bibig niya kasabay ng muling paglandas ng mga
luha niya. Cedrick! Ang pangalang iyon ng kababata ang paulit-ulit na isinisigaw ng isip niya. Ni hindi
niya na nagawang makapagsalita. Napahagulgol siya sa sobrang sama ng loob.
“Holly, I’m really sorry.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Aleron sa kanyang palad. Napatitig siya roon. Wala ang dating
masarap na pakiramdam na dulot niyon. Bumitiw siya mula sa pagkakahawak nito. Nang kahit paano
ay kaya niya nang kontrolin ang emosyon ay dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palayo. Kung
kaya niya lang sanang tumakbo ay ginawa niya na. Ayon sa doktor ay posible raw abutin ng taon bago
bumalik ang dating lakas ng kanyang binti. Ang puso niya kaya, gaano katagal ang aabutin bago
bumalik sa dati?
Sa malas ay hindi niya pa kasama ang driver niya. Sabado ng araw na iyon at day-off nito pero bago
ito umalis ng mansyon para bisitahin ang sariling pamilya nito ay siniguro na muna nitong hindi niya
kakailanganin ang serbisyo nito. Iyon din ang akala ni Holly. Pero hindi niya rin napigilan ang umalis
dahil totoo pala talagang nakakabingi ang sobrang katahimikan lalo na para sa mga taong may
pinagdaraanan.
Kahit ang mga kasambahay ay para bang ingat na ingat na hindi makalikha ng anumang ingay. Sa
kabila ng naging pagpipigil ng mga ito sa kanya ay umalis pa rin siya at ginamit ang sariling kotse.
Kahit bahagyang nananakit ang binti ay nakayanan niya naman iyong imaneho kahit paano. Pero sa
estado ng emosyon niya ngayon, hindi niya na alam kung makakaya niya pa rin.
Nahinto si Holly sa paglalakad nang bigla na lang siyang pigilan ni Aleron sa braso.
“Holly,” Narinig niyang naghihirap na wika ng binata. “Hayaan mo akong makabawi sa ’yo. Magsimula
tayo muli. This time, let’s make things right, I beg you. Hindi ko na kayang mawala ka pa. Araw-araw,
simula nang kalimutan ko ang paghihiganti ko noon, gumigising ako sa umaga para makita ang ngiti
mo, para marinig ang pagtawa mo, para mahalin ka. Kaya nang umalis ako palayo, para na rin akong
namatay. Holly, I don’t wanna die again.”
Nagsisikip ang dibdib na napaharap siya kay Aleron. Bakit ganoon? Dapat okay na sila, dapat nahanap
niya na sa puso niya ang pagpapatawad para sa binata pero hindi. Nasagot na nito ang lahat ng
naipong tanong sa isip niya noon kaya dapat matahimik na siya. Kung tutuusin ay solido ang mga
rason nito. Bukod pa roon ay totoong minahal pala siya nito at hindi niya maitatangging may
nararamdaman pa rin siya para rito. Pero matapos niyang marinig ang mga paliwanag ni Aleron,
nanatili ang sakit sa puso niya, parang dumoble pa nga dahil sa kawalan ng katarungan sa mga
nangyari.
Bukod pa roon ay umusbong ang takot sa puso ni Holly, takot na muli pang sumubok. The thought that
their wedding could have taken place if only Cedrick didn’t show up at her doorstep that fateful night
was shattering her even more. Dalawang beses na siyang nagmahal at buong-buo siyang sumugal.
Pero bakit pakiramdam niya ay hindi naging buong-buo ang pagsugal ng mga lalaking minahal niya, ng
mga lalaking ipinangangalandakang mahal siya?
Kung totoong mahal siya ni Cedrick noon, sana ay sumugal itong ipagtapat pa rin sa kanya ang totoo
noong araw na nahuli niya itong kahalikan ni Hailey, sana ay hindi ito nagpadala sa pamba-black mail
ng kakambal niya. Sana ay hinayaan nitong siya ang humusga ng katotohanan sa mga nangyari. Pero
hindi. Dahil hinayaan nitong humarang si Hailey sa gitna nila. Cedrick’s reasons sounded valid as well.
Pero hindi pa rin maiaalis ang katotohanang natakot ito noon, ganoon din si Aleron. Nagpadala rin ito
sa takot nito, takot na masaktan. Pero bakit siya, sa kabila ng babala nitong huwag tumuloy sa
simbahan ay pumunta at naghintay pa rin siya?
Tiniis niya ang lahat sa ngalan ng pagmamahal. Nakikita niyang tunay na nasasaktan si Aleron pero
hindi magawang matunaw ng puso niya nang mga sandaling iyon.
“Sana gaya ng dati ay matapang pa rin ako. Sana hindi mo ako sinaktan noon… para kaya ko sanang
sumugal uli sa ’yo ngayon. Ni hindi ko alam kung paano pa bubuuin ang sarili ko pagkatapos ng
ginawa mo.”
“Then, let me pick up the broken pieces.”
Malungkot na napailing si Holly. Pinagmasdan niya si Aleron. Hindi maikakaila ang bahagyang
pagkahulog ng katawan nito. “You can’t. Because you are broken yourself.” Napamaang ang binata.
Inalis niya ang kamay nito sa kanyang braso at muling naglakad palayo.
Nang makasakay na ng kotse ay pilit na pinaandar niya pa rin iyon. She was even grateful for the pain
in her knee because it somehow distracted her from the pain in her heart. Ngayon niya na-realized na
masyado pala siyang naging isip-bata sa paghahangad ng sariling masayang kwento. Ibang-iba pala
talaga ang mga akdang ginagawa ng mga tulad niya kumpara sa totoong buhay. In stories, as writers,
they can make things possible that most people would regard impossible in real life. Para silang
genies. Wala bang time? Bigyan ng time. Takot ba sa pag-ibig? Alisin ang takot.
Ngayon ay alam na ni Holly na iyon ang pagkakaiba ng totoong buhay sa mga kwento lang. In stories,
things can be possible. Kapag nasaktan masyado ang mga karakter roon ng mga taong minamahal
nila, if the writers still want their characters to end up together, they will be together. Pero hindi ganoon
kasimple sa totoong buhay. In real life, if the pain is too much, if the heart has been too hurt,
sometimes, it can’t just forgive. It can’t just forget.
“MA’AM, may problema po ba?”
Mariing nakagat ni Holly ang ibabang labi nang marinig ang nagtatakang boses na iyon ni Mang Dante,
ang kanyang driver cum body guard. Ilang minuto na ang nakalilipas simula nang buksan nito ang pinto
sa gawi niya pero hindi niya pa rin magawang lumabas ng sasakyan.
May book signing siya ng hapon na iyon. Noong mga nakaraang linggo pa siya tinawagan ng isang
staff mula sa publication tungkol sa bagay na iyon. Mayroon itong isinuhestiyong lugar para sa event
na iyon dahil may bagong bukas daw doong book store na pagmamay-ari ng publisher nila at
nagpaunlak naman siya. Hindi niya na nai-proseso pa sa isip ang ibang sinabi ng staff dahil may tama
na siya ng alak nang makausap ito. Nangyari iyon noong um-attend siya sa silver wedding anniversary
ng kapatid ng kanyang ama.
Nang ipaalala iyon kay Holly ng staff noong nagdaang araw ay saka niya lang natuklasang sa isa sa
mga shopping malls na pagmamay-ari ni Aleron pala nakapwesto ang store kung saan gaganapin ang
book signing. May mga readers na siyang nagpahayag ng tuwa sa mangyayari at nakahiyaan niya
nang tumanggi.
Calm down, Holly. Sa dami ng shopping malls ni Aleron, malabo naman sigurong mag-krus ang mga
landas nyo ngayon. Pagpapalubag-loob niya sa sarili. Simula nang magkita sila ni Aleron sa
sementeryo ay parati na itong nagpupunta sa mansyon ng mga magulang niya. Mahigpit na binilinan
niya na lang ang gwardya na huwag itong papasukin. Pero parati itong may ipinapabigay sa kanya na
kung ano-ano na hindi niya naman tinatanggap. Naipon lang sa pinto ng mansyon ang mga bulaklak,
naglalakihang stuff toys at mga kahon ng tsokolate.
Madalas ay hindi rin maiwasan ni Holly ang hindi silipin si Aleron mula sa bintana ng kanyang kwarto.
Umaga pa lang ay naroroon na ang binata at naghihintay lang sa labas ng kotse nito, gabi na ito
kadalasang nakakauwi. Nang mga nakaraang araw ay may kasama pa itong nangharana sa kanya na
mga kilalang mang-aawit sa bansa pero hindi siya lumabas. Hindi na yata kayang kumilala ng kilig ng
puso niya na mukhang na-drain na ng husto. Tuwing lumalabas siya ay humahabol ang binata. Mabuti
na lang at maagap si Mang Dante sa pagharang rito.
At ngayon ay kailangan niyang pumasok sa loob ng isa sa mga teritoryo nito. Great, just great. Ilang
sandali pang nagtalo ang isip at puso niya bago siya sa wakas bumaba ng sasakyan.
“Here she comes!”
Nabigla pa si Holly sa narinig na boses na iyon ng isang lalaki na mukhang megaphone pa ang
ginamit. Hindi niya na lang iyon pinansin. Naglakad na sila ni Mang Dante patungo sa mall. Nang
makarating sa marmol na hagdan niyon ay agad na nakuha ang atensyon niya ng nakalatag na pulang
carpet roon hanggang sa pinto ng entrance. May mga lalaki at babae ring nakapila sa magkabilang
gilid ng carpet. May artista kayang magmo-mall show? Pero nilalatagan ba ng red carpet ang mga
iyon?
Mayamaya ay naipilig ni Holly ang ulo. Pati ba naman iyon ay iisipin niya pa? Lilihis na lang sana siya
ng daan paiwas sa red carpet nang makarinig ng sabay-sabay na masiglang pagbati mula sa mga
taong nakapila roon.
“Welcome to William’s Shopping Mall, Miss Holly Lejarde.” Wika ng mga iyon na sinundan pa ng ngiti
sa mga labi. Bahagya pang yumukod ang mga iyon sa kanya na para bang nakakita ang mga ito ng
aparisyon ng isang prinsesa sa katauhan niya.
Ano na naman ba ‘to? Hindi pa man nakakabawi si Holly sa pagkabigla nang may isang lalaki na
nakasuot ng polong itim ang lumapit sa kanya at inalalayan siya papunta sa red carpet. Napalingon
siya sa kanyang likuran nang makarinig ng komosyon roon. Nagsalubong ang mga kilay niya nang
makitang hinawakan ng dalawang security guards roon ang magkabilang braso ni Mang Dante.
“What are you doing? Let him go. Body guard ko siya.”
“Pasensiya na po, Miss Holly. Sumusunod lang po kami sa utos sa amin.” Anang lalaking um-escort sa
kanya. “Don’t worry, Miss. We can assure you that you will be one hundred percent safe inside the mall
even with the absence of your body guard. For the meantime, dito na po muna siya sa labas
maghintay. We will send him food in case you stay longer, Miss.”
Nag-aalalang napatitig si Holly kay Mang Dante. Para namang walang nagawang napailing na lang ito.
“Hihintayin ko na lang po kayo rito, ma’am. In case something happens, I’m just a text away.”
Nagda-dalawang-isip pa ring nagpadala na lang sa agos si Holly. Sa ngalan ng book signing, ‘to, Holly.
Tandaan mo. Hanggang sa daanan papunta sa book store ay mayroong nakalatag na red carpet.
Pagdating niya roon ay naroroon na ang mga readers niya na naging mga kaibigan niya na rin
kalaunan. Gaya niya ay bakas ang pagkamangha sa mukha ng mga ito. Iginala ni Holly ang mga mata
sa loob ng book store. Napakalaki ng tarpaulin roon kung saan nakalagay ang kanyang pen name. Property © 2024 N0(v)elDrama.Org.
May mga pink at pulang lobo rin sa loob.
Dumako ang mga mata niya sa isang bahagi roon kung saan nakalagay ang isang mesa at upuan.
Malaki at malapad ang bilugang mesa na nilagyan pa ng pulang tela sa ibabaw. Nakapatong roon ang
isang bungkos ng pinaghalong pula at puting mga rosas. Ang silya naman ay mataas na parang
pinasadya para sa isang prinsesa. Pinaghalong pula at ginto naman ang kulay niyon. Inalalayan pa si
Holly ng lalaking escort paupo roon. At gaya ng inaasahan niya ay komportable iyon at malambot dahil
sa kutson. Binalingan ng lalaki ang mga readers niya.
“The management of Williams Shopping Mall cares not just for Miss Holly but also for her readers.
That’s why after the signing, I encourage you all to eat at the Gregory’s. Dito rin po sa third floor
nakapwesto iyon at madali lang pong makikita. Iyon po ang pinakamalaking French restaurant dito sa
loob ng mall. You can order anything you want for free. That’s courtesy of the management.” Kay Holly
muling tumutok ang mga mata ng lalaki. “As for you, Miss Holly, nasa labas lang po ng bookstore ang
mga kasamahan ko. Kung may kailangan po kayo, tawagan nyo lang sila.” Ngumiti kay Holly ang lalaki.
Minsan pa itong yumukod bago nagpaalam na.
Marahas na napabuga ng hangin si Holly. Sinasabi na nga ba niya at si Aleron ang nasa likod ng lahat
ng iyon. Pero hindi siya nakaramdam ng saya. Sinikap niya na lang ngumiti sa mga nagsimula nang
pumila na mga readers niya para magpapirma. Pero mayamaya lang ay nakarinig siya ng mga
pagsinghap mula sa mga iyon at ng parang kinikilig na bulungan pa ng mga iyon. Nag-angat siya ng
mukha at tiningnan ang mga ito. Bahagya pang nagtutulakan ang mga ito habang sa isang direksyon
nakatutok ang mga mata. Sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito.
Tumutok ang mga mata niya sa isang kapapasok lang na prinsipe kung ituring niya noon. Nakatali ang
mahabang buhok ni Aleron. Nakasuot ito ng asul na amerikana. Marami sa mga nasa loob ng book
store na iyon ang kilala na ang binata dahil sa pagsama-sama nito sa kanya noon sa ganoong klaseng
event. Sino nga ba naman ang hindi mapapasinghap kung si Aleron ang makikita? He always had that
effect on women. Mula noon hanggang ngayon, para pa rin itong lalaking hinugot mula mismo sa
pahina sa magazine o sa telebisyon.
Naglakad ang binata palapit kay Holly. Pero hindi na tulad ng mga kababaihan sa lugar na iyon ang
naramdaman niya. Lumipas na ang kanyang kilig. Ang natitira na lang ay sakit.
“Aleron.”
“What?” Painosente pang tanong ng binata. Kusang umatras ang mga readers niya at pinauna ito sa
pila. Ngumiti ito pero hindi iyon tumagos sa mga mata nito. “Gusto ko ring magpapirma.”
Napatitig si Holly sa mga librong isa-isang inilabas ng binata mula sa paper bag na dala nito. Halos
mapuno ng mga iyon ang mesa. “I remember signing all these before.” Malamig niyang wika.
Napahugot ng malalim na hininga ang binata. “Hindi akin ang mga iyon. Those books originally belong
to Athan.”
Mariing naipikit ni Holly ang mga mata. “Binasa mo ba talaga ang mga ito noon?” Ilang segundo ang
lumipas bago niya muling narinig na nagsalita ang binata.
“No.”
Pakiramdam niya ay nadagdagan ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Aleron and his
lies… will they ever stop?