Chapter 3
Chapter 3
AGAD na sumakit ang ulo ni Chryzelle nang si Calix kaagad ang mabungaran pagbaba niya mula sa
kotse. Kahit nagkahiwalay na sila ng tirahan ng asawa ay hindi pa rin siya tuluyang makawala mula sa
sakit na pinagdaanan na dulot nito, lalo na at paulit-ulit niya itong nakikita ngayon.
She must admit that there was that little part of her who wanted to hope, who wanted to cling on one
last time to his promise of reconciliation, to his promise of a better marriage. Pero madalas ay inaalis
niya ang katiting na pag-asang iyon sa kanyang puso. Pagod na pagod na ang puso niya na palaging
dumaraing ng pahinga na hindi niya magawa-gawa dahil kahit sa bahay ng ate niya ay sinusundan pa
rin siya ni Calix.
Ilang ulit nang pinayuhan si Chryzelle ng kapatid na magpakalayo-layo muna para magbakasyon pero
ayaw niya. Natatakot siya na lalo lang makaramdam ng awa sa sarili kapag umalis nang mag-isa. Mas
gusto niyang magtrabaho na lang para kahit paano ay may pinagkakaabalahan siya, hindi tulad ng
pagbabakasyon na siguradong puro pag-iisip lang ang kanyang gagawin.
"Please, Calix," May bahid-pakiusap na wika ni Chryzelle. "Just go-"
Mabilis na inilapat ni Calix ang isang daliri nito sa kanyang mga labi para pahintuin siya sa pagtataboy
rito. noveldrama
"Gago ako. I was selfish. I didn't recognize your worth until you were gone. Pero maniwala ka sanang
sa kabila ng kagaguhan at ng mga pagkukulang ko, mahal talaga kita, Chryzelle. I'm so sorry."
Pinakatitigan siya ni Calix, na para bang nanghihingi ng pang-unawa ang mga mata. "When Clarence
died, I... I didn't know what to do. Nagkasakit si Papa. Halos bumagsak ang kompanya. I was at a loss.
All I knew then was the hunger to prove something to Dad, the hunger to feel my importance.
"No matter how I hated my dad for everything that happened between us, I was still scared... to be left
alone. Siya na lang ang natitirang pamilya ko sa mundo. Ayokong bumigay siya. Kaya gumawa ako ng
paraan. Nagsumikap ako para patunayan sa kanyang may pag-asa." Malakas na napabuga ng hangin
si Calix. "I wanted to make him feel my presence."
"But I lost your presence in the process." Namasa ang mga mata ni Chryzelle. "Hindi ka naman nag-isa
kahit nawala si Kuya Clarence, Calix. Nasa tabi mo ako."
"I know, baby. I know." Lumitaw ang pagsisisi sa mga mata ni Calix.
"Kinailangan din kita. Pero parati kang wala." Pumasok sa isip ni Chryzelle ang mga panahong nasa
hardin siya sa kalagitnaan ng gabi at naghihintay sa pagdating ni Calix. She was anxious. She couldn't
relax. Madalas ay out of coverage area ang cell phone ng asawa. Halos hindi siya makatulog,
magmamadali siyang sisilip sa cell phone kada maririnig niya ang message alert tone para lang
madismaya sa makikitang nag-iisang text message ni Calix na nagsasabing sa opisina na raw ito
magpapalipas ng gabi dahil may proposal pa na pag-aaralan at report na paghahandaan para i-present
sa board.
Maunawain si Chryzelle. Pero sa paglipas ng mga taon, unti-unting nasagad ang kanyang pasensya.
Bumaba rin nang bumaba ang pagtingin niya sa sarili na nag-ugat sa kawalan ng oras sa kanya ng
sariling asawa sa kabila ng pagsusumikap niyang abutin ito.
"Noong araw ng anniversary natin, maayos na ang lahat sa kompanya noon kaya handa na akong
magbakasyon sana kasama ka." Bumuntong-hininga si Calix. "Wala na akong magagawa para sa
nakaraan natin. But I can still change our future. Hayaan mo akong makabawi, Chryzelle. I didn't give
up the past years, though I was tempted many times because your presence gave me hope. Kaya
kung mawawala ka ngayon, para na rin akong bumalik sa dati, naliligaw na naman."
Masuyong pinahid ni Calix ang mga luha ni Chryzelle na hindi niya namalayang tumulo pala. Para
bang napapagod na ipinikit ng asawa ang mga mata, pagkatapos ay idinikit ang noo sa kanyang noo.
"I'm so sorry for being an ass. Ipinapangako kong babawi ako. Give me a chance, please. Ibalik natin
ang nakaraan."
Hindi sinasadyang napahawak si Chryzelle sa kanyang tiyan, kasabay ng pagkuyom ng mga kamay.
Maibabalik mo ba ang anak natin?
Buong lakas na tinulak niya si Calix. "I don't need your promises. I don't even need your apologies.
Kung iyon lang ang dala mo para sa akin at hindi ang annulment papers, makakaalis ka na." matigas
na wika niya bago ito nilampasan. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa bakeshop para lang mabigla sa
nabungaran.
The shop was filled with red balloons and her favorite peach roses. Sa bawat lobo ay may nakasaad na
Forgive me, baby, I love you. Ang mga isinabog namang petals ng rosas ay nasa sahig. Sa bawat
haligi ng dingding ay may mga nakasabit na litrato nila ni Calix noong boyfriend niya pa lang. At sa
sentro ng shop ay may malaking flat screen kung saan kasalukuyang ipinapalabas ang video coverage
ng pagpapalitan nila ng pangako ni Calix sa isa't-isa noong araw ng kanilang kasal.
Kasalukuyan iyong pinagkakaguluhan ng mga tauhan sa shop. Pumapailanlang sa ere ang mahinang
tugtugin na nagsisilbing background sa paligid. Iyon ang natatandaan ni Chryzelle na wedding song
nila ni Calix.
"I, Calix, take you, Chryzelle Ann, to be my lawfully wedded wife, to be together in happiness and
struggle, to have and to hold even if your mood gets worse." Buong pagmamahal na ngumiti si Calix sa
bride na naluluha na nang mga sandaling iyon.
"Ipinapangako kong aalagaan kita katulad ng pag-aalagang ginawa sa 'yo ng mga magulang mo.
Bubuo tayo ng isang palasyo kung saan ikaw ang magiging reyna. But I won't give you a happily ever
after because our love was genuine, Chryzelle. It wasn't a fairytale. What I can give you is a kind of
relationship with flaws... but with love." Isinuot ni Calix ang singsing sa daliri ni Chryzelle pagkatapos
ay matamis na ngumiti. "I love you. I can't wait to start a new life adventure with you."
Sa ikalawang pagkakataon sa umagang iyon ay muling tumulo ang mga luha ni Chryzelle. Pakiramdam
niya ay umakyat sa kanyang tuktok ang lahat ng emosyon niya. Pinag-aalis niya ang mga nakasabit na
litrato sa dingding, pagkatapos ay hinagis ang mga iyon. Mabilis din niyang ini-off ang telebisyon.
Tatakbo na sana siya para magtago na lang sa kanyang opisina nang maagap siyang pigilan ni Calix
sa braso.
"I'm sorry kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko," mahinahong wika nito. "I just want to remind you
of our happy days. And maybe you could start thinking some positive things about us-"
"Our marriage was all the negative things I could think of."
Rumehistro ang sakit sa mga mata ni Calix. Bumuka ang bibig nito, pero walang salitang lumabas mula
roon. Binalewala na iyon ni Chryzelle. Inalis niya ang kamay ng asawa sa kanyang braso. Nang
makaabot na sa tapat ng pinto ay nanginginig na pipihitin niya na sana ang doorknob nang muli ay may
kamay na pumigil sa kanyang braso. Sa pagharap niya ay ang mga labi na ni Calix ang sumalubong sa
kanya.
Kinuyumos siya ng halik ng asawa. Mapagparusa iyon pero maalab na hindi nagtagal ay unti-unti ring
naging masuyo... na para bang humihiling ng pagtugon. But Chryzelle kept her lips tightly together.
Ilang sandali pa ay humiwalay sa kanya si Calix. Pinakatitigan siya nito, bumaba ang titig sa kanyang
mga labi. Marahas na napahinga ito bago siya muling hinalikan.
Despite the heaviness in her chest, her world still... spun around and around from the bittersweet kiss.
Ibinalik siya ng halik sa mga masasayang sandali nila ni Calix noong magkasintahan pa lang sila.
Ibinalik siya ng pinagsasaluhan nilang halik sa simbahan sa Cavite kung saan sila unang nagkakilala.
Bisperas ng Pasko noon nang mapadpad doon ang lalaki nang bisitahin ang yumaong ina nito sa
sementeryo na hindi kalayuan sa simbahan na palaging pinupuntahan ni Chryzelle. Nagkataong
nagkatabi sila sa pag-upo. Masama man ay hindi na siya nakapagbigay ng lubos na atensyon sa
pagsisimba, pati na sa sermon ng pari.
Back then, Calix was the most beautiful man she knew she had laid her eyes on. Mapanukso kung
makatingin ang mga mata nito noon sa tuwing hindi sinasadyang magsasalubong ang kanilang mga
paningin. Her heart was charmed. Kay Calix unang namulat ang kanyang mundo tungkol sa opposite
sex.
Mula noon, tuwing linggo ay nakikita na ni Chryzelle ang lalaki sa simbahan sa mismong oras tulad
noong una nilang pagkikita. Hanggang sa inilapit na ni Calix ang sarili nito sa kanya ilang araw bago
sumapit ang Bagong Taon. Pormal itong nagpakilala sa kanya. And that was the start of their happy
days. Sa simbahan umamin si Calix ng nararamdaman sa kanya pagkatapos ng ilang linggong
pagdalaw-dalaw sa bakeshop na pinamamahalaan niya.
Sa simbahang iyon din niya sinagot si Calix. He was her first crush, her first boyfriend, and her first
love.
Mayamaya ay humiwalay na ang lalaki sa kanya, dahilan para mahinto siya sa pagbabalik-tanaw.
Natulala siya.
"At least, may pakonsuwelo na ako sa bawat pambabara mo. But beware, wife." Idinikit ni Calix ang
katawan sa kanya. Napasandal siya sa pinto. Bumaba ang mga kamay ng asawa mula sa kanyang
balikat pababa sa kanyang balakang. "Masyadong matalas ang dila mo. At mahina ang tolerance ko
roon. Baka mapikon ako. At kapag nagkataon, I will not just kiss you. I will make love to you...
anywhere and anytime I am tempted to do so."
Habol ni Chryzelle ang hininga nang iwan siya ni Calix. Damn you, Calix! How can you still make me
feel this way?
"ONCOLOGIST ako, pare. At hindi love guru. Hindi kita matutulungan diyan sa problema mo."
Napu-frustrate na napahawak si Calix sa suot na wedding ring. Totoo nga ang kasabihang kapag
nawala na sa 'yo ang isang tao ay saka mo mari-realize ang tunay na kahalagahan nito. Dahil ngayon
ay halos masiraan na siya ng bait. He missed his wife terribly. Parati siyang nag-aalangan sa pag-uwi
mula sa panliligaw kay Chryzelle. The house felt empty without his wife.
Napailing siya. Kung kailan naka-leave na siya sa trabaho ay saka pa siya higit na nakadama ng
matinding kapaguran.
Mahigit tatlong linggo na siyang muling nanliligaw kay Chryzelle. Halos isinugo niya na ang lahat ng tao
sa asawa-ang mga malalapit na kaibigan nito, ang mga ninong at ninang sa kanilang kasal, pati na ang
paboritong banda ni Chryzelle na sikat na sikat sa bansa. Gumastos siya roon para haranahin ang
asawa sa bahay ng ate nito, pero walang nangyari. Maski si Celeste ay abot hanggang langit din ang
galit sa kanya. Ni hindi man lang siya nito pinatutuloy sa bahay nito.
Humingi na rin ng tulong si Calix sa mga magulang ng asawa. Nagulat pa siya nang malamang walang
ideya ang mga biyenan tungkol sa nangyayari sa kanila ni Chryzelle. Pumagitna ang mga ito sa kanila
ng asawa. Pero hindi raw nakinig si Chryzelle sa payo ng mga magulang.
"You've always been more idealistic than me. Wala ka bang ibang maisip na paraan para matulungan
ako bilang best friend ko?" desperado nang pangungulit pa rin ni Calix kay Derek. Magkaklase sila
mula kindergarten hanggang high school kaya naging matalik na magkaibigan sila.
Kabisado na nila ang likaw ng bituka ng isa't-isa. Nagkahiwalay lang sila sa kolehiyo dahil nagkaiba
sila ng course, pero nanatili ang komunikasyon nila. Talagang sinadya niya si Derek sa ospital na
pinapasukan nito. Mabuti na lang at nagkataong maluwag ang schedule nito nang mga sandaling iyon.
Kunot ang noong nag-angat ng mukha si Derek mula sa folder na binabasa. "Sa dami ng problema ng
mga pasyente ko, mas 'yon ang hahanapan ko ng paraan kaysa ang sugatan mong puso. Look, pare,"
Nakangising hinubad ni Derek ang suot na eye glasses. "Just go back to your woman and beg. If it
doesn't work, go to the nearest church and pray for a miracle."
"Wow, thank you very much, Derek. That was a very helpful advice," sarkastikong sagot ni Calix bago
inagaw ang isa sa mga folder na pinag-aaralan ng kaibigan. Sumalubong sa kanya ang isang papel
kung saan nakatala ang mga resulta ng physical exam, blood test at bone marrow biopsy ng isang
pasyente nito na napag-alaman niyang may sakit na acute lymphocytic leukemia.
Kumislap ang ideya sa isip ni Calix. "I think I've got a temporary solution to my problem."
Nagdududang kinuha ni Derek ang folder mula sa kanya. "I know what you're thinking, brother. But
don't push it." Para bang nabasa nito ang iniisip niya. Napailing ito. "Lalo ka lang mapapa-trouble kay
Chryzelle."
"Wala na akong ibang maisip. Seryoso ako, pare. Kung hindi ko pa siya makakasama... baka
matuluyan na ako." Ilang ulit siyang napabuga ng hangin. "I told you, I'm desperate."